Unexpected

2 0 0
                                    

ICE'S POV

Thank you dito ha? Ayoko na tuloy umalis, ang sarap maligo dito.

Naikwento nya sakin na sana may ilog o dagat na malapit sa bahay nila mama. Nagtanong ako sa kanila kung meron, buti na lang at meron. Sobrang ganda dito, parang wala pang nakaka explore ng place, or dahil siguro hindi matao dito kaya walang naliligo dito.

Naligo na rin ako. Dito na kami nagpalipas ng maghapon. Nasa mini falls sya, pinapaayos nya yung buhok nya sa tubig.

I just realize na white pala ang shirt nya, I'm seeing her underwear. Napatingin ako ng matagal.

Hoy Pablo bastos ka, huwag ka kaya tumingin?

Nagtakip sya ng harapan nya sabay talikod sakin. Ang awkward tuloy.

Maya-maya lumapit sya sakin pero ulo lang nakalutang. Umuwi na daw kami at malayo pa ang lalakarin namin.

Hindi na kami nagpalit pa at nagtakip na lang sya ng tuwalya, doon na lang daw kami sa bahay magpalit. Paano nga ba naman kami magpapalit doon.

Thank you ulit ha? Balik tayo dito pag nag aya uli sila Tita. May nag mamay-ari na ba nun?

Bakit may balak kang bilhin? As if naman kaya mo.

Well excuse me, I have enough savings naman, maybe kaya ko hulugan yun. I really want that piece of land. Sana wala pang may-ari.

Mukhang seryoso to na bilhin yung pwesto dun ah? Sa bagay, hindi pa kalakihan ang price per square meter dito kasi hindi dayuhin ang lugar na to. Sana nga talaga wala, gusto ko makuha nya yun.

--

TORI'S POV

Nabigla yata yung katawan ko kakalangoy doon. Last swim ko pa ata nung nag yaya yung ka workmate namin tapos sa pool pa. Nag ibuprofen na lang ako, but my soul feel energized.

Pumasok na ako sa kulambo at tinext sila mama and dad about sa na explore namin ni Ice. I know I can't afford it. Pero pwede naman siguro ako umutang sa kanila kung hindi aabutin yung savings ko, well true naman na I can't afford it kung yung savings ko ang gagamitin. Wala yan sa kinikita nila ngayon. Tsaka minsan lang naman ako maglambing, as in ngayon lang uli. Last time that I did that, nung buo pa kami.

Nagulat ako sa text ni Dad, gusto daw nya makipagkita sa akin. Like wow. How many years na rin kaming hindi nagkita? Mag tetext lang, sasabihin lang na nag lagay sya sa account ko. But to be honest, I miss my dad so much. Sya ang hero ko, pag nasusugatan ako, sya ang mag gagamot. He taught me how to ride a bike, roller skates and skateboard. Pero nung gusto ko na ng motorcycle ayaw nya, delikado daw. He's a man of few words, pero pinaparamdam nya sakin na mahal na mahal nya ako.

--

Last day na namin ngayon sa farm. Nakakalungkot, back to reality again. Sabi naman ni Tita, we can come back again.

Nag aayos na ako ng mga gamit ko nung tinawag ako ni Nanay. Sabi ko sa kanya, na masaya ako kasi na experience ko na sumakay ng kalabaw, kaya tinawag nya ako.

Nakakatuwa kasi mabait yung kalabaw nila, pinahawak muna sya sakin, then pinahiram ako ng damit pang saka ni Tita. Magka height naman kami kaya sumakto sa akin, at sumakay na ako. Ang putik nya, buti nga pinahiram ako ng damit.

Nakasakay ako habang nag aararo sa bukid, bumaba din ako at nag try mag araro. Kudos sa mga farmers, literal na magtanim ay hindi biro.

Nag request si ate na mag extend kami hanggang meryenda na dapat sa tanghali lang.

--

Naligo na ako at nagpahinga sa papag sa ilalim ng puno while sila nag uusap sa main kubo.

Alam nyo ba, naiinggit ako whenever I see a complete family? Well, obviously. Buti pa sila, masaya, kumpleto, walang problema, masaya. When will I? Impossible.

I didn't notice na nakatulog na pala ako. Ginising ako ni Ice nung meryenda time na.

Nakakahiya ka abalahin, sarap kasi ng tulog mo, tumutulo pa laway mo. Dugyot!

Bwisit na lalake to, wala nang maayos na lumalabas sa bibig nya!

After namin kumain, inabutan ako ni Tita ng kakanin at kalahating kaban ng bigas. So thankful for them, beforehand, may mga fruits na ako, then may pa bigas pa.

--

ICE'S POV

Alam nyo ba, ang ganda ni Tori kahit natutulog at tulo laway? Haha ang weird ko na yata, na kahit nakakahiyang mga bagay natutuwa pa ako.

Anyway, kanina pa kami nasa byahe. Pagod na pagod ang mga kasama ko, meanwhile ako, naghahanap ng stopover kasi naiihi na ako at gutom. Bitin yung 3 days na walang pasok. Back to reality again. I want to fast forward the time para nasa Boracay na kami. Gusto ko sya makasama ulit ng kami lang.

--

Time goes by so slowly naman. May 2 months pa kami bago mag bakasyon ulit. Pero luckily, 1 week na because of our annual free leave.

Nasa flight ako ngayon pero hindi ko sya kasama. After 5 weeks, kasama ko uli si Michael sa byahe. Nag kamustahan kami. Sabi nya, may na kursunada syang ground crew.  Anyway, nasa dating stage na sila which is good. Michael is NGSB. After nya mapagtapos ng college ang kapatid nya, finally, pwede na syang mag girlfriend kaya sana, seryoso yung babae sa kanya. Kung nega ako, sorry. Can't blame me, right?

Hindi naman sya pinagbawal na mag girlfriend ng mga parents nya but he firmly promised na pagtatapusin nya muna ang kapatid nya bago magka relasyon. Hindi nya daw magagawang bilhan ng bulaklak yung girlfriend nya kung ipambabayad na lang nya dapat ng tuition... Ulirang anak award goes to...!

--

It's my turn na mag serve ng meals sa mga pasahero. I was in the middle nung may familiar face akong nakita. Shit, si Marquise... With his husband and baby. Habang tinitingnan ko sila, naaalala ko lang yung moment na nakita ko sila sa fire exit.

Oh hi! Have a safe trip!

Yan na lang ang nasabi ko, I smiled, gave their meals and left.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon