ICE'S POV
Kung hinahanap nyo naman si ate, ayun nasa abroad, OFW. Maliban sa gusto nya na mag work na sa malayo, ang makahanap ng foreigner na asawa ang gusto nya. Hay nako si ate, mind you, NBSB parin sya at ang goal nya is to have her first and last love na tiga ibang bansa.
Hinahayaan kami ng parents namin sa finances namin pero tinuruan naman kami how to spend it wisely, and hindi sila tumatanggap ng pera galing samin hanggang hindi daw kami nagkaroon ng investment, si ate may lupa nang hinuhulugan sa province nila and malapit na nya matapos. Uuwi sya para ayusin yung title and unti untiin nyang magkaroon ng maliit na bahay and farmland. Ako wala pa since baguhan pa lang ako, but masaya sila noong nalaman nila na nag tatabi na ako sa bank.
Maswerte kami ni ate sa mga parents namin. Hindi sila nag dedemand sa amin, bagkus tinulungan pa nga kami. Dahil na rin siguro sa pinag daanan nila in the past so they want us to be financially stable.
Thinking about luck, bigla ko naalala si Tori. Since that night, hindi na namin sya nakita pang muli. Busy ako kay Quise and si ate sa work. Nabalitaan ko na lang sa tropa na lumipat na pala si Tori ng bahay. Kung saan man sya ngayon, hindi namin alam. Nakibalita ako sa mga college friends namin. Walang daw iniwang address or contact details. Deactivated parin ang social media accounts nya. Siguro nga malas sya on the family part but I hope it will different when it comes to her career. Alam ko naman na kaya nya yun, matalino sya and she's a tough woman.
--
1 year na kami ni Quise sa trabaho and I'm trying na mag hanap ng ibang work. I feel kasi na di kami nag grow dito. Pero sya daw, masaya sya sa work and supportive sya sa job searching ko.
May pooling na FA sa kabilang airline so nag try ako mag pasa. Umabot din ng 1 month bago nila ako tawagan. Thankfully, natanggap ako, and they give me 15 days para mag start na ng training. Buti na lang din, pinagbigyan ako ng present company kahit na in a hurry ang kabilang airline. Turns out sister company pala sya kaya okay lang sa kanila ang pag lipat ko. Nag celebrate kami ni Marquise through an overnight stay near the airport lang. Niregaluhan nya ako ng pair of shoes and socks. Di lang basta-basta ang sapatos dahil branded yung bigay nya, mamahalin. Nag abala pa talaga sya.
That's how I support and love you babe. Goodluck on your journey, huwag mo kalimutan mga ref magnet, okay? I love you!
And then we end up love making. She's the best ever! She's doing all the work and I'm more than satisfied. Everything is smooth between us. I will try my very best na mag ipon for our future, pero syempre how can we seal the deal kung walang engagement ring?
Usapan namin, by age 25 kami ikakasal, but I can't hardly wait! Pwede naman long engagement diba? At para alam ng mga mag attempt na lumapit sa kanya na she's getting married.
Actually, we started na maghulog ng pre-sell na bahay malapit sa kanila. Last year pa namin hinuhulugan, we will pay for another year tsaka na sya ibibigay samin but di pa namin agad titirhan. We will wait to get marry bago kami lumipat doon, respect na din sa parents nya kasi they don't believe in living-in.
Once na makalipat na ako sa bagong work, isasama ko sa pag iipunan ko yung pambili ng engagement ring. Hindi na ako siguro bibili ng sobrang mahal, kasi madami na kaming pinaglalaanan ng pera, I know she will understand.
--
This is the last night of my work as a ground crew. May pa surprise ang mga ka-trabaho ko with Quise and we celebrate until the next day. For sure mamimiss ko ang trabaho ko but tulad nga ng sabi nila, we should look for a greener pasture. Isa pa, sobrang mamimiss ko ka-trabaho ang girlfriend ko. Since naging kami halos di na kami mapag hiwalay. But then again paano ako mag grow if I will stuck myself sa isang lugar lang diba? After all, para naman ito sa future namin.
--
I still have 2 more days left bago mag start ang training. Sakto, nasa Pinas ni ate kaya nag aya ako na mag bonding time kami. Naayos na nya yung titulo ng lupa at ang parents na namin ang ipaasikaso nya sa magiging farm house doon, sabi nya sila rin naman ang titira doon. Masarap parin mag retire sa province. It's their time to relax.
Katatapos lang namin manood ng movie and konting shopping na din. This time, bumili si ate ng pair of watch para sa aming dalawa. Kahit marami akong ayaw na ugali kay ate, love ko yan. Ayaw ko sabihin syempre, mag yayabang na naman yan.
Nakapila na kami sa counter ng isang fast food chain. Namiss daw talaga ni ate ang pinoy fastfood kaya dito daw kami kakain. While waiting, we saw a familiar face, pero ibang iba na ang aura nya, the way she dress and speak. She got straight, long hair at light lang ang makeup nya.
TORIIIII!!!!
Hi ate, Ice. Kamusta kayo?
Naging mature ang boses nya pero malumanay. Noong college days kasi very jolly at medyo matining.
Okay lang kami. Ikaw ang kamusta? Lalo kang gumanda be!
Okay lang din ako ate. Sige, aalis na ako. Nag take-out lang ako ng food.
Nag follow up pa si ate ng tanong kung pwede daw ba makuha ang contact details nya pero ngumiti lang sya at umalis.
Ang ganda ni Tori, Ice! Ano ka ngayon, tulala ka? Ayaw ayaw pa kasi haha!
Ate parang ewan. Gustong gusto mo kaya si Marquise, halos di rin kayo mapag hiwalay nun e.
Sabi ko nga...
Biglang nalungkot si ate.
Kaya tuloy lumayo sya sa atin kasi bigla natin syang nakalimutan...
...Kinalimutan na nga ng magulang, pati ba naman tayong kaibigan nya...
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days