ICE'S POV
Ate tama na yan, nakakahiya kay Alastair!
Ano ka ba, hindi ba past is past? Cannot be rewind? Hahaha!
Shet ang luma ng joke! Pinakisuyo ko na sa boyfriend nya na patulugin na si ate. Ayaw pa nga umalis pero nagtitigan sila. Pumayag na si ate at tinignan kaming dalawa.
Hindi napansin ni Tori yun kasi kumuha sya ng panibagong bote ng red horse.
Uy, bakit umalis na sila ate? Lugi!
Apat na bote ng beer ang dala nya, lahat bukas na. Kami na lang daw ang umubos.
Kinamusta nya ako about kay Marquise, kung may balita na daw ba ako sa kanya.
Ang huli kong balita from Jethro, kinasal na sila. And a little months from now, lalabas na ang baby boy nila. Of course I'm happy for her, and also I am happy for myself. Because I didn't end up with the wrong person.
Wala akong matanong kay Tori since puro lang sya trabaho and bahay. Ayoko namang pag usapan about work, kaya nga kami nagbakasyon ng ilang araw. Kaya nag isip ako...
Nagka boyfriend ka ba after Dave?
Of course none! I'm so immersed sa studies at sa work. Alam mo ba, ngayon lang ako nag babakasyon ng matagal.
Lagi daw syang nag sosolo trip, yung tipong after work, deretso sya sa destination nya, comes rest day and deretso pasok sa work kinabukasan.
I also asked if she got bored.
Hindi. Sanay na ako mag isa.
Hindi na ako nakapag salita. Dahil sa amin ni ate, and about what happened to her personal life kaya sya nasanay mag isa. Actually, kung hindi dahil kay ate, hindi sya sasama. So far, I think nag enjoy naman sya, maliban sa what happened kanina.
--
TORI'S POV
Maaga ako nagising, nagulat na lang ako. Katabi ko pala yung bakulaw? Hay! Wala naman sigurong nangyaring masama diba? Tsaka... Okay naman ang suot ko. Yung ano ko, well hindi naman masakit. Like ng sabi ng mga friends ko, the first time they ano daw, masakit.
Anyway, bumangon na lang din ako, nawala antok ko sa shock. Nakita ko si Nanay na nag hahanda ng almusal sa mesa. Tinanong nya sa akin si Ice kung nasaan daw at bakit wala sa sala, which I answered.
Bakit nasa kuwarto mo si Ice? Huwag mo sabihing...?
Nay!!!!
Walang ganun, please! Yes, nakainom kami. Pero hindi naman ibig sabihin na nakainom eh gagawa na ng masama, well maliban na lang sa iba. But of course I won't do that... Kay Ice? Eww!
--
ICE'S POV
Ate! Alastair! Ice! Gising na daw, mag aalmusal na tayo!
Nagising ako sa katok at sigaw ni Tori mula sa labas... Teka anong katok? Sa sala ako natulog?
Oh, okay I remember!
Sa sala ako natulog. Gumising ako para umihi. Inisip ko yatang nasa bahay lang ako, kaya ako pumasok ng kuwarto. Di ko na rin sya namalayan maybe sa sobrang antok ko. Maybe it's a stupid excuse but that's true. Hindi ko sya gagawan ng masama.
Oh, really? Sus! Ice ha nakakahalata na ako sayo! Sinadya mo yun para lang makatabi sya! Yeee!!
Lahat ng reason ko sinabi ko kay ate, pero syempre, siraulo yang si ate, hindi maniniwala. But I really swear, wala akong ginawang masama sa kanya!
Baka marinig kayo, nakakahiya!
Lumapit si Tori na may dalang nilagang mani sa malaking mangkok. 30 minutes after namin kumain, may kinakain na naman sya.
Gasul!
Sobra ka na ha, ginawa ni Nanay to sa atin, tsaka grasya to, wag natin tanggihan!
Iniba ni ate yung usapan, nag kwento sya about sa mga nangyari sa kanya sa ibang bansa. Umalis muna si Tori dahil nag ring ang phone nya at pumunta sa may kalabaw pagkatapos, tinawag kasi sya ni papa kung gusto daw nya sumakay.
Sumakay naman sya, buti na lang in the mood yung kalabaw, at inalam nya kung paano mag araro and everything about farming. May maliit din kaming taniman ng buko na pinakita din sa kanya. Aba, gustong umakyat sa itaas. Hindi pinayagan ni papa at hayaang ang mga expert na ang gumawa.
Sumunod kami nila ate sa kanya. Pag dating namin, pinabuksan nya na yung mga buko at isa-isa nya binigay sa amin.
So refreshing!
Nagpaturo si Alastair kung paano umakyat at kumuha ng bunga sa taas. Tinuruan naman sya ni papa. Masaya si ate kasi she sees na magkasundo sila ng boyfriend nya.
Gusto ko sya na yung first and last ko. Alam nyo yan.
Sa tingin ko naman, sya na ang para kay ate. Wala akong nakikitang mali kay Alastair which is bihira sa lalake, right? Habang nag aalmusal nga kami, pinakilala nya na rin kami sa parents nya. Pinakilala na nya kila mama at papa ang parents nya bago pa umuwi si ate via videocall.
--
TORI'S POV
Inaasar nga ako ng mga kasama ko sa trabaho, sabi nila 'may isa na namang pinay ang umahon sa kahirapan'. Hay nako, mentality talaga ng mga pinoy ano? Kilala naman nila bf ko, di naman mayaman yung tao, iisipin agad nila nakaangat na sa buhay!
True enough. Iniisip nila na kesyo foreigner, instant mayaman ka na. Nagkataon lang naman na mas develop ang country nila pero hindi lahat ng tao doon, mayaman.
Tara Tori, may pupuntahan tayo.
Ito naman, ang ganda ng kuwentuhan namin ni ate, abala. But since I want to explore the place, edi go!
--
Mga 30 minutes din yung tinagal ng lakad namin pero wag ka, super worth it! May mini falls at ilog! Bakit hindi naman sinabi ni Ice na magdala ng extrang damit! Ang sarap maligo!
If you're thinking to swim, may extrang damit ako dito, and towel. Kay ate ko pina pack so don't worry.
Tinabi ko na yung phone and deretso langoy na ako. Brrr, ang lamig! At ang linis ng tubig! Haaayyyy, this is the life!
Ang sarap magbabad dito kahit ginaw na ginaw ako. I've been into places alone pero hindi ko sinubukang mag swimming. I did hiking and food crawl kasi I know mabibitin ako. You don't know how much I love water!

BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days