Chapter 22: Protecting You

57 0 0
                                    

Gabriel's POV

Dinala ko si Ionnah sa malapit na Amusement Park sa amin para naman kahit papano makalimutan niya yung mabigat na dinadala niya. Matagal-tagal ko na rin siyang di nakikitang masaya at tumatawa.

Bumili kami ng pagkain namin matapos naming sumakay sa napakaraming rides, take note NAPAKARAMI -____-

Wala kasi atang kapaguran tong babaeng to! Kung di ko lang siguro siya inawat halos lahat na ng rides masasakyan namin.

"Hoy Gab! Salamat. ^___^" sabi niya habang nakangiti.

Ang ganda ng ngiti niya.

Ewan ko pero para akong timang kasi bigla ko nalang hinawakan yung kaliwang pisngi niya at sinabing,

"You're really beautiful, Yna. Lalo na pag nakangiti ka."

Bigla naman siyang napa-atras at nagiba yung reaksyon niya sa mukha dahil sa ginawa ko. Nailang siguro siya.

"S-sorry."

Siguro nga hanggang ganito nalang ako.

Itatago ko nalang tong nararamdam ko para sa kanya.

I know she's not aware of the feeling I'm having for her, kaya naman I'm trying my best not to let her know kasi alam kong any time na malaman niyang may gusto ako sa kanya mawawala yung pagkakaibigan na iniinganatan ko. She's one of the girls na you won't dare to lose. Oo, siya yung tipo ng babaeng kinakatakutan ng iba dahil sa ugali niya, she's frank, she curse and cuss, kung ayaw niya sa'yo di ka niya papakialaman, mahirap siyang basahin, mataray siya at matapang. Hindi siya mahinhin pero she's a girl any guy would dare to fall in love with.

"......"

And I took the risk. Hinayaan ko yung sarili kong mahulog sa babaeng mas matapang sakin.

"Yn-

Napahalgalpak naman ako sa tawa dahil sa itsura niya. Biruin niyo na ang isang napakatapang na babae muntik nang madapa?

"Sige! Tawanan mo lang ako! >_<"

"Syempr- HAHAHAHA. Para ka namang bata! HAHAHA." pangasar ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako ng masama siguro ng mga sampung segundo.

"HAHAHAHAH-

Nagulat nalang ako nang isinubo niya sa bunganga ko yung hotdog na binili namin habang tumatawa ako.

"WAHAHAHA. Ichura mo! WAHAHAHA."

At okay na ko sa lagay naming to. Tama, hanggang ditto nalang siguro, yung magkaibigan lang kami.

Pagkatapos naming kumain inaya niya nanaman akong sumakay ng kung anu-anong rides. Nang mejo napagod na siya inutusan niya akong bumili nig ice cream. Luminga-linga ako para maghanap ng mapagbibilhan ng ice cream. At dahil sa wala akong makita, nagpaalam muna ako sa kanya para humanap.

5:30 na nang nakahanap ako ng ice cream parlor, halos 20 munutes ako naghanap tapos ang mahal pa! Gastos kung gastos ako ngayong araw na to. Kung di ko lang siguro gusto 'tong babaeng to =____=

Pagkabili ko bumalik ako kaagad para maibigay kay Ionnah yung ice cream. Habang naglalakad ako nakita ko siyang nagsusuot ng helmet at sumakay sa motor.

Kasama si Red.

Nilabas ko yung phone ko para silipin kung tumawag siya para magpaalam. At nakakadismaya, kasi ni text wala.

"Bata, sa'yo na oh." Abot ko sa batang dumaan sa harap ko. Sayang naman kung wala kakain. Saying yung effort kong naghanap.

Yung sayang nararamdaman ko kanina bigla nalang nawala at napalitan ng pagka-badtrip. Kay ba Red o kay Ionnah, hindi ko alam. Basta ang alam ko naiinis ako. Oo, sinamahan ko si Yna para maibsan kahit papano yung bigat na nararamdaman niya, pero parang unfair yata kung bigla-bigla nalang siyang aalis na walang paalam. At si Red pa ang kasama. Tss.

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon