Ionnah's POV
Napatakip ako sa mata ko pagkadilat ko dahil sa pagkasilaw. Ikinalat ko yung tingin ko sa buong kwarto at narealize na nasa clinic ako ng camp. I've been here before kaya hindi na ko nag-assume na nasa hospital ako.Napahawak ako sa may bewang ko nang maalala ko yung nangyari bago ako mawalan ng malay. I was falling and someone caught me, kung sino hindi ko alam. Was it Red? I shook my head and immediately brushed the thought away at bumalik na sa quater namin.
"Ionnah!"
Napalingon lahat sakin nang biglang sumigaw si Keiran pagkadating at pagkadating ko sa quarter namin. Nagulat nalang ako nang magsilapitan yung mga player ni kuya sa akin at paulit ulit na tinanong kung okay lang ba ako. I'm not used to this kind of attention kaya um-oo nalang ako at naglakad palayo sa kanila. But the boys continue to crowd and bug me.
"Layuan niyo yung prinsesa! Utos galing kay prinsipe Red Yossef Martinez!"
Lumapit sa Tyrone sa akin at hinawi yung mga lalake. Napayuko nalang ako nang mapansin kong may papalapit na bote ng tubig na tumama sa mukha ni Tyrone.
"Goal!" sigaw nung isa sa soccer players.
"Walang kupas si captain!"
Nagsitawanan silang lahat habang napahawak sa mukha si Tyrone at napamura nalang. Partida hindi pa nakakalahati yung laman ng bote kaya sigurado ako masakit yun.
Naglakad papalapit sa akin si kuya at isa isang binatukan yung mga malapit sa kanya na nangungulit na naman.
"Susunduin na sana kita eh. Ayos ka na? May masakit pa ba sayo?" tanong niya.
Humawak ako sa tiyan ko na siyang dahilan para manlaki mata ni kuya.
"Ano masakit?!" nagpa-panic na tanong ni kuya.
"Nagugutom lang ako kuya, huwag OA."
Napakamot lang siya sa ulo at pinapasok sa Recreational Area at pinaupo ako sa may dining area. Parang bahay yung area ng camp na to, may living room at dining area. And this is the only area na may t.v at kung ano anong laruan like Table Football game at Pachinko.
Yung ilang mga taong nasa labas kanina eh pumasok na din. Inabutan ako ng pagkain ni kuya at walang anu't-ano kumain na ko. Alas nuebe narin kasi at ako nalang yung di nakakakain.
Napatingala ako sa upuan sa harap ko nang may pumwesto dun. And it turned out to be Red na busy na rin sa pagkain and then biglang dumating si kuya at tumabi sa kanya.
"Si Red nagbantay sayo kanina kaya wag mo siya paalisin dito," kuya said pagkalapag niya ng pinggan niya.
Napalingon ako kay Red na hindi man lang naalis yung atensyon sa pagkain niya. Gusto kong tanungin kung sino nakasalo sakin kanina but knowing siya yung nagbantay sakin then mag-aassume nalang muna ako na siya nga.
Still, I don't understand why am I making this a big deal?!
"Matunaw si Red bunso, alam ko crush mo siya pero wala sa tamang oras yang pagtitig mo. Baka mabilaukan-
As if on cue, nabilaukan nga si Red. I rolled my eye and kicked kuya's foot under the table.
"It was Daniel who caught you if that's what you're wondering about."
Napalingon kami ni kuya kay Red nang bigla siya magsalita.
'Ah' was just the word I managed to say. I should be relieved ngayon alam ko na pero bakit pakiramdam ko na-disappoint ako? Ano ba pinagsasabi mo Ionnah?!
"Daniel?" nakakunot na tanong ni kuya pero biglang nawala yun at tumingin siya sakin. "Yung drummer na crush na crush mo dati?"
And now it's my turn to get choked. Tumahimik nalang ako tinuloy yung pagkain ko, minsan talaga napakadaldal ni kuya. Hindi naman na big deal yung issue na yun kung marinig pa ni Red since in-announce na ni Keiran sa buong athlete group.
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
RandomBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...