Ionnah's POV
Ibinigsak ko ang sarili ko sa kama ko pagkatapos ng taekwondo practice session namin kanina. Nakaramdam kasi ako ng sakit sa may left abdomen ko nang masipa ako ng teammate ko.
And yeah, kinabahan ako kasi kung naalala niyo last three weeks nabalian ako ng ribs and in-advise ako ng doctor ko na huwag nalang sumama sa camp. Pero ito na yung last camp ngayong highschool kami, hindi ko naman pwedeng palagpasin to. And since mapilit ako, pumayag siya.
Pinuntahan ako ni kuya Jared sa kwarto namin nang malaman niya yung nangyarin. Akala ko papagalitan niya ako but it turns out that he needs my help.
"Sige na bunso! Wala naman ng masakit sayo eh. Diba? Tulungan mo na ko dali. Titignan mo lang naman performance nila, promise uupo kalang sa bench."
I may be stubborn pero pagdating kay kuya mabilis ako mapapa-oo, just forget the TFIOS issue kasi hindi ko talaga siya mapagbibigyan noon dahil narin sa napanuod ko na ito.
I told him to wait outside para makapagbihis ako. I wore a tshirt, tokong shorts and sneakers. Pagdating sa football field, naabutan namin sila na nakaupo, nagkekwetuhan yung iba panga eh naglalaro ng kung ano anong gadgets.
I glared at kuya and notice na parang wala siyang pakialam. What the heck? Akala ko ba oras ng training nila tapos hinahayaan niya lang players niya na magliway-liway?
"Kuya! Ano na? Di mo ba sila susuwayin?"
"I'm giving them taste of my silent treatment bunso. Pag hindi pa to tumalab, I will quit. I didn't know na ganito na nagyayari sa team ng school natin. Hindi kami ganyan noon. Wala silang sense of initiative na magtraining. Puro tamad. Bilang lang siguro ang masisipag. Before leaving, I told them to warm up, pagbalik ko most of them are idling."
He sounded upset. Nakatayo lang siya sa likod ng puno kaya hindi siya nakikita ng players. I can sense his disappointment.
Lumingon ako sa dereksyon ng mga players. May mangilan-ngilan na nagwa-warm up most of them are seniors and freshmen, pero karamihan sa players idle lang, parang walang pakialam.
Since Juniors and Seniors lang ang entitled ng participation sa Athlete's Camp every year,kaaninang umaga lang dumating yung ibang soccer players na Freshmen and Sophomore from Montgomery Academy, nandito sila ngayon para magready for the coming Campus Football Cup.
Kinuha ko yung whistle sa kamay ni kuya at pumito.
Napalingon ang lahat sa dereksyon ko at hinila si kuya papalapit kanya.
"Hand me an empty bag." Utos ko sa player na nadaanan ko.
Nang mapansin ko na wala paring nagaabot sa akin ng bag, kinuha ko yung bag na nasa bench at inalis yung nga laman nito. I recognized the things inside and I realized na kay kuya to.
Lumapit ako sa grupo ng mga player na nagresume gumagamit at maglalaro ng gadgets.
"Ilagay niyo mga yan dito." Utos ko sa kanila.
Nang hindi nila ako sinunod, hinila ko yung isa na nasa likuran ko at pinahawak yung bag sa kanya. Isa isa kong inagaw sa kanila yung mga phone, psp at kung ano anong mga gadgets na gamit gamit nila.
Pinuntahan ko si kuya and he gave me a significant look as if telling me to stop doing what I am planning.
"Kuya, they're different from your batch. Kung sa tingin mo madadaan mo sila sa dasalan, I'm telling you matitigas bungo nila."
"Eh anong balak mo sa mga yan?" He asked me looking at the bag I'm holding.
"Hindi ko ibabalik mga 'to sakanila hanggat hindi sila nagtitino."
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
RandomBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...