Chapter 12: Bright Idea!

64 0 0
                                    

Ionnah's POV

"Waaaaah ! Mr. Chips ! Hahaha . Salamat, Ionnah ! Wala kasi ako mahanap eh." bungad ni Lauren sakin pagkabagsak ko ng mga pagkain sa table. Kahit kailan talaga adik to sa Mr. Chips.

Nandito kami sa bahay ngayon para maggroup study. Magoovernight sila kasi sabado bukas. At tsaka nagpaalam naman ako kila daddy, okay naman sa kanila.

"Bat walang clover chips bessie ! Favorite ko yun eh ! Bat kay Lauren meron sakin wala!" pagrereklamo ni Keiran.

"Mas love kasi ako ni Ionnah! Bleh! Hahaha."

"Ang ingay niyong dalawa!"

"Hoy, Ionnah! RED alert ka lang ngayon daig mo pa yung nagliliha sa kasungitan mo!" nagtawanan silang dalawa habang ako nakanguso lang, iemphasize ba yung word na red .

Psh .

"Si Lianne? Wala pa siya ah." tanong ko sa kanila para matigil na sila sa katatawa.

"Ah. Si best? On the way na. Hinatid ni boyfie nia." sagot ni Lauren.

Silang tatlo nila Keiran, Lauren at Lianne ang close friends ko. Magbestfriend si Lianne at Lauren. Nakilala namin ni Keiran yung dalawa nung first year at ayun magkakasundo kami sa karamihan ng bagay. Mas prefer namin magarcade kaysa magshopping. Hindi kami yung tipo ng mga babae na nagpapaganda para mapansin, para samin we stand out in our own way. Hindi kami yung girly-type, palaban kaming apat in all ways. Kaso si Keiran tanga sa pag-ibig, si Lianne sinwerte kahit papano, kami ni Lauren binansagan ng dalawang to ng manhater, though hindi naman talaga kami manhater, di lang talaga kami nagmamadali.

Buong hapon kami nagkulitan at naglaro ng kung anu-ano, napagdiskitahan rin nga naming magbasketball. Meron din kasing maliit na court sila kuya dito sa bahay, aside from soccer kasi nagbabasketball sila kaya naman tinuturuan rin nila ako.

Bumalik na kami sa living room nang makaramdam kami ng pagod.

"Nga para, bukash yung game nira Dhylan." nagsalita si Keiran habang puno ng ice cream yung bunganga niya.

"I prefer watching basketball." sagot ni Lianne sakanya sabay belat.

"Eeeeh ! Sige na ! Madaya ka naman eh. Nanunuod kaya ako pag may game si Rey!"

"Hahaha . Oo na ! Sama ako . Kawawa ka naman."

"Alam ko naman na di mo ko matitiis Lianne eh. Labs na labs mo ko eeh. Hahaha . Ikaw Lau ? Sama ka rin ah."

"Do I have a choice?" Pagkasagot niya, lumingon siya sa akin at nagtanong, "Eh ikaw Yona? Ichi-cheer mo ba si Red mo ?"

Pagkasabi niya nun pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko kaya naman binato ko siya ng unan.

Tatlong to wala nang ibang ginawa kundi pagtripan ako.

"HAHAHAHAHAHA. Tignan niyo si Yona, HAHAHA . Nagbablush ! WAHAHA !"

Ako magbablush ?! Wag ako lokohin nila . Bucet.

"Just wait here, kunin ko lang yung book." napalingin kami sa pintuan nang marinig namin si kuya Jared.

"Hi po kuya Jared !" the three said in chorus.

"O, andito pala kayo. Kamusta na?"

Nagokay sign naman yung tatlo.

"Okay ka lang Faith? Bat ka namumula?" tanong ni kuya sakin.

"Huh? A-a-ako? Di ah!" iniwas ko yung tingin ko sa kanya at tinignan yung kasama niyang babae. She's pretty, bagay sila ni kuya. Hihi . Siya kaya si ate Erika? "Hi po! Kayo po ba si ate Erika?"

Nagulat naman yung kasama ni kuya at ngumiti na parang napaka-awkward ng situation. "Ahehe . Hindi ako si Erika. I'm Scarlet, bestfriend ni Erika."

"Eh kuya ? Akala ko ba si ate Erika nililigawan mo ?"

Bigla namang tumawa si ate Scarlet. Oh diba ? Ate agad ? FC :D

"Oo si Erika nililigawan nito. May hihiramin lang naman akong book sa kanya." sagot ni ate Scarlet.

Aaaaah . Sayang . Bagay pa naman sila ni kuya . Ano kaya itsura nung Erika?

"Aah . Nga pala . This is Scarlet, kaibigan ko. And Scarlet, this is Faith, kapatid ko and Keiran, Lianne and Lauren, kaibigan ni bunso." pagpapakilala ni kuya.

"Hello ate ganda!" nagchorus ulit yung tatalo. Ano to ? Choir ?

Umakyat si kuya para kunin yung librong sinasabi nila.

"Ate, ano pong course niyo?" tanong ni Keiran.

"Aah. Management ako."

"Wow! So pwede pong patulong sa homework namin sa Trigo?" ani ni Lauren.

"Sure." sagot habang nakangiti.

Habang ako, tinititigan lang siya. Ngayon ko lang napansin may kahawig siya? Di ko nga lang maidentify kung sino.

"Hoy!" naramdaman ko namang may bumatok sakin.

"Ayay ! Ano ba ! Sino yun?"

"Ako! Makatitig ka kay ate Scar parang crush mo siya ah!" sagot ni Lianne sakin.

"Oy ha ! Ayokong magboyfriend hindi ibig sabihin tibo ako!" baling ko sakanya.

"HAHAHA . Nakakatuwa kayong apat, nakakamiss pala highschool no? Ganyang ganyan din kami nung highschool kami." Pagkasabi niya nun, tinitigan ko ulit siya. May kamukha talaga siya..

"Ate.. May kamukha ka alam mo ba yun?" sabi ko kay ate Scarlet.

"Hoy! Dumadamoves si Ionnah kay ate oh!" sigaw ni Lianne.

"Kilabutan ka sa sinasabi mo Lianne ah!" nagsitawanan naman kaming lahat.

Dumating si kuya na may hawak na paperbag. Laman siguro nun eh books. Inabot niya ito kay ate Scarlet at napansin kong medyo nagulat siya pagkasilip niya sa laman ng paperbag. Ano kaya laman nun? Hay nako, masyado na kong nagiging chismosa.

"Mauuna na ko. Medyo madilim narin. Bye, girls!" paalam ni ate Scarlet. Hinatid naman siya ni kuya hanggang gate, ang sabi niya malapit lang naman bahay nila dito.

Nang medyo gumagabi na umakyat na kami sa room ko. Sabi ko dun na sila sa guest room pero mas gusto raw nila sa room ko.

"Oy, Yonah. Ayaw mo talaga sumama? Sige na! Panuorin mo si Red Yossef mo ! Ayiiie!"

"Di ba kayo titigil sa kababanggit ng pangalan ng snow white na yan ha?" Badtrip talaga ako sa halimaw na yun, matagal ko nang napatay yan sa utak ko eh. Kung pwede lang talagang gawin , matagal ko nang napatay to!

Waaaaaah ! Sorry po Lord, kung anu-ano na naiisip ko.

"Sige na best! Ichi-cheer lang naman yung school natin eh!"

"Tas ikaw ichicheer mo si Yossef! HAHAHA." pangasar ulit ni Lianne.

"Anong ichicheer ?!" Natigil ako nang may isang bright idea ang pumasok sa aking brilliant mind.

Naglakad ako paakyat sa kama ko at humiga. Malaki yung kama ko, kahit nga lima kasya kaya walang problema kung tabi-tabi kami. Ngumiti naman ako ng nakakaloko kaya naman napakalaking question mark ang nasa mukha ng tatlo to.

"Sure, I'll come. I chicheer ko si Snow White."

*************

A/N:

Nga po pala, Lauren, Lianne and Rey are characters from my short story Mr. Chips. Pa-read narin po, pag gusto niyo . Thank you ! :D

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon