Red's POV
Pagkapasok ko ng classroom agad na bumungad sa akin yung maingay na putok ng party poppers at sigaw ng mga kaklase ko.
"Happy Birthday Red Yossef!"
Inalis ko yung confetti na lumapag sa ilong ko at tinitigan lang silang lahat. May mga pagkain rin silang hinanda at nadako yung tingin ko sa lasagna. Argh. I'm sure si Dylan at Keiran ang may pakana nito. Sa buong klase sila lang naman ang may alam na favorite ko ang lasagna.
Lumapit si sir Kenth sa akin at kinuha yung tardy slip na hawak ko."Pakana lahat nila 'to. And dahil birthday mo I'll give the whole class my one hour for you guys. And I won't record this as your late. Enjoy your birthday, Mr. Martinez." Pinat niya yung likod at bago umalis ng classroom may binulong siya sa akin, "Why not take your time and umupo ka sa upuan mo?"
Lalabas narin sana ako ng classroom nang bigla akong hinarangan at hatakin ni Lauren. "Hep hep! Last year tinapon mo yung cake na binigay namin sa'yo kaya kailangin mong bayadan yun! Hindi ka lalabas ng classroom!"
"Tama!" pagsangayon ng buong klase.
Napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa gusto nila. Kahit kailan kasi hindi ko ginustong i-celebrate ang birthday ko. It's just a waste of time and effort kasi hindi rin naman ako masaya.
Inilipag ko yung bag ko at umupo sa upuan ko. Pagkaupo ko nagulat nalang ako ng may nakataob na picture sa upuan ko.
Happy Birthday, Snow White.
It was a picture of me with my mom during my 9th birthday. And yun din ang last na birthday ko na nakasama ko si mama.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bigla kong naalala yung araw na nawala si mama.
Galing ako sa school noon, I was excited because she promised me ise-celebrate namin yung birthday ko. She promised me to ride the ferris wheel with me. She promised me na kahit kailan hindi siya susuko at lalaban siya para sa amin. Pero pagkadating na pagkadating ko sa ospital inabutan ko siya na nag-aagaw buhay.
Wala akong nagawa kundi umiyak habang pinapanuod siyang nahihirapan. Pinalabas kami na daddy sa kwarto ni mama and after an hour pinabalik na kami. As we enter the room I was expecting her to be okay, she's not yet dead but she's barely hanging on. Everyone's crying, even si Peach na 1 year old at that time eh umiiyak rin. Tinanong ko kung bakit umalis yung mga doktor, tinanong ko kung bakit hindi nila tinutulungan si mommy na gumaling. I asked them every question na kaya kong itanong pero wala ni isa ang sumagot sa akin.
I'm sorry, Red anak. Pagpasensyahan mo na si mommy at hindi na natin maise-celebrate ang birthday mo. I'm sorry..
Those were the last words that I heard from her. Lumabas ako ng kwarto at nagiiyak at pagbalik ko naka-cover na ng kumot ang buong katawan ni mommy. I stood there frozen and blame everyone I could sa pagkamatay niya. And that day I hated myself from not hearing what mom said.
♬"Talk to me I'm torned,
I could get lost in a voice like yours
Tell me if Im wrong or right
Tell me I could stay tonight—♬My phone started ringing and without even looking who is the caller sinagot ko na to.
"What?"
[You really don't know how to greet a person, no?]
I was surprised na boses ni Ionnah ang narinig ko.
[Anyway, tumawag lang ako kasi baka maisipan mong punitin yung picture. Yun lang.]
I expected her to hung up pero hindi parin kasi naririnig ko parin yung paghinga niya sa kabilang linya.
"Yun lang sasabihin mo sa akin? So you can call me anytime you want yet ilang beses kang sinubukang tawagan nila Keiran pero out of reach ka. Bakit hindi sila Keiran or sila Lauren ang tawagan mo ngayon?"
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
RandomBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...