Chapter 32: Sake

31 0 0
                                    

Ionnah's POV

"Oy batang maligalig! Sinabi ko na ngang 'wag ka malikot!"

Pansampong suway na siguro ni kuya Jared sa akin yan. Paano ba kasi, hindi ako mapakali dito sa kama na 'to dahil narin hindi ako komportable sa hospital gown na suot ko.

"Wag mong pag-isipang irason yang hospital gown kaya hindi ka makapirmi. Kasalanan mo yan, hindi ka nagiingat."

Isa pa si Kuya Keith. Pang-apat na araw ko na dito sa hospital pero parang walang humpay parin sila sa pagsesermon. Hindi ko naman sila masisisi, natural lang naman sa kanila yung nagaalala sa akin. Sa totoo lang nakakatuwa kasi dahil diyan sa pagsuway at sermon nila sakin alam ko na may mga taong nagaalala sa akin.

"Kuya!"

Nagulat nalang ako nang batukan ako ni kuya Keith pagkatawag ko sa kanila.

"Sinabi nang huwag kang sisigaw! Tapos magrereklamo ka kung may masakit!" sigaw sakin ni kuya Keith.

"OO NA PO!"

Kasabay ng pagsigaw ko yung kirot na naramdaman ko sa may left part ng chest ko. This freaking annoying broken ribs! Nakakainis! Kung di lang ako nahulog sa hagdan di ako mababalian ng dalawang na ribs. At, hindi sana naka-cast yung right hand ko.

"Ayan, ayan! Sigaw pa."

At dahil narin naririndi na ako sa sermon nilang dalawa, tinignan ko sila ng masama, pagkatapos ay nagtalukbong sa kumot.

Naalala ko tuloy yung tatlo. Apat na araw ko na sila di nakikita at apat na araw ko na di sinasagot yung mga tawag at text nila. Kapag nalaman kasi nila na nasa ospital ako magaalala lang sila. Haay.

"Oy, bunso! Bakit ka ba kasi ganun ganun nalang reaksyon mo nang sinabi ko sasabihing kong may gusto mo siya."

Ugh. Here goes kuya Jared again. Insisting something not real at all. Ganito kasi ang nangyari. Pababa ako ng hagdan nang biglang nagvibrate yung phone ko. It was Keiran informing me about the athlete's camp next month.

"Faith, pakuha naman yung jacket ko sa kwarto!"

"Ayoko nga!"

"Huh?! You're not coming?!" Keiran freaked out over the phone.

"Hindi! Si kuya kasi inuutusan na naman ako. Pupunta ako sa camp wag ka magalala."

"Yeay! Sige best, tawagan ko lang yung iba. Bye!"

Wala akong balak kunin yung jacket ni kuya kaya naglakad lang ako pababa ng hagdan.

"Sige ka pag di mo kinuha sasabihin ko na gusto mo si Red!"

I didn't buy what kuya said kaya di ko pinansin yung sinabi niya .

"Kuya wag mo—AH!"

I was about to say na wag niya pairalin yung katamaran niya nang may naapakan ako and it turns out to be na yung jacket niya at derederecho akong gumulong pababa.

At dahil dun inasar asar ako ni kuya na hindi ko kailangang saktan sarili ko para lang hindi niya sabihin kay Red na may gusto raw ako sa kanya. And for anyones' sake wala ako gusto sa kanya and I was about to say na 'wag niya pairalin ang katamaran niya' at hindi 'wag mo sabihin sa kanya'!

"Baka naman...May gusto ka talaga kay R—

Inalis ko yung nakatalukbong na kumot at tinignan siya, "Kuya, gusto mo talagang ulit-ulitin ko no? Kung hindi dahil sa jacket mo na nakalat sa hagdan, HINDI SANA AKO MAHUHULOG!!!"

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon