Ionnah's POV
Nagsipasukan na lahat ng kaklase ko nang mag-ring yung school bell habang ako ineenjoy parin yung hangin sa may corridor. Malamig kasi dito sa second floor, hindi kasi masyadong maaraw dahil na rin siguro October na.
Napakagaan ng pakiramdam ko. Hindi gaya ng dati na pagdating ng bahay magmumukmok, pagdating ng school nasa sulok lang.
Ngumiti ako at huminga ng malalim at naglakad papunta sa classroom.
"Good morning sir," nakangiting bati ko kay sir Kenth.
Tinitigan lang ako ni sir habang nakakunot ang noo. Unusual ba masyado ang pagbati ko? Natatawa akong naglakad papunta sa upuan ko, di lang siguro sila sanay na hindi ako nagtataray sa classroom.
"Iika-ika ka yatang maglakad Mr. Martinez? Are you okay?" rinig kong tanong ni sir Kenth pagkaupo ko.
"Okay lang ako sir, thanks to the girl who fell from a tree."
"Yona! Kilala mo ba yung girl na yun?" natatawang tanong sakin ni Lauren.
Nagsisitawanan naman yung mga mokong na kasama ko sa park kahapon. Fine, kasalanan ko.
Napansin ko nalang na nakatingin lahat sakin yung mga kaklase ko.
"Hindi ee. Sino ba yun?" I answered them innocently. Naglabas ako ng libro and pretend to read.
I'm enjoying this show. Haha. Araw araw namang may kalokohan sa classroom pero ngayon ko lang ulit na-appreciate yung ganitong athmosphere.
"Really? Eh, Ionnah, ang pagkakaalam ko wala kang intensyong mahulog kung walang sasalo sa'yo, eh bakit ka nahulog sa puno or let's jusy say, kay Yossef? HAHAHA."
Liningon ko si Tyrone at hinagis sa kanya yung librong hawak ko. Lokong to, binuking pa ko. Tss.
"Shut up. Di ko sinasadya mahulog okay!"
Nabigla nalang ako nang naghiyawan yung mga kaklase ko.
Di ko sinasadya mahulog okay!
Napasapo nalang ako sa noo ko nang marealize kong iba yung dating ng sinabi ko sa kanila.
"That's not what I mean guys! Pwede ba ayusin niyo takbo ng utak niyo."
"Oh siya siya. Tama na yan class, may announcement ako."
Tumahimik yung buong klase and focused their attention to sir Kenth.
"You have a new classmate, actually last month pa siya nagtransfer dito, though mataas naman grades niya sa section 3 muna siya nilagay, doon lang kasi may vacant dati. Since nagmigrate yung isang kaklase niyo, ililipat na siya dito."
Pagkatapos iexplain ni sir, sumilip siya sa may pintuan and motioned someone to enter the room.
Everyone was surprised when Kaori enter the room, usap-usapan parin kasi yung naging away namin sa campus.
"What is that bitch doing here?"
Tanong nung kaklase kong maarte. Yes, literal na maarte, minuminuto kasing nagsasalamin, ni ayaw nga atang maputulan ng hibla ng buhok.
"She's not even welcome here" tuloy pa niya.
I saw Kaori's lips twitched, it may be because of irritation or dahil napahiya siya.
Nag-crumple ako ng papel at hinagis kay Angela.
Nanlaki yung mata niya at lumingin sa may pwesto namin.
"Who threw the paper? I'm not doing anyting to you naman ee?" maarteng tanong niya, nakakairita siya.
"Ay, sorry. Natamaan ka ba? Akala ko kasi may basurahan diyan" pangasar ko sa kanya, "Kung di siya welcome dito, ano ka pa? Halos palakol na lahat ng grades mo nagagawa mo pang maginarte? Kung ayaw mo sa kanya ikaw umalis."
Alam ko di ako matalino pero kahit kailan wala ako line of seven sa grade ko.
"Ms. Paredes?" tawag sakin ni Sir Kenth.
"Sir! Honesty is the best policy po.." nakangiting sagot ko sa kanya.
Nagsitawanan naman lahat ng kaklase ko at halatang nagpipigil ng tawa si sir kasi kitang kita naman sa mata niya. Nasa mid-20's palang naman siya kaya nakakasabay pa sa biruan ng klase namin.
Pinaupo na ni sir si Kaori sa dating upuan ni Guiller, yung nagmigrate na kaklase namin, which is sa harapan ko.
Sir Kenth was talking about Intramurals and I remember last week pa pala nag-umpisa, masyado pala talaga pre-occupied yung utak ko kaya di ko namamalayan yung mga nangyayari sa paligid ko.
Pagkaupo ni Kaori, she slightly tilted her head and said,
"You don't have to do that, kaya ko sarili ko."
Nahihiya pa kasing magpasalamat, akala mo ginto 'yung thank you niya. Sa tono kasi ng pagkakasabi niya hindi ka makakaramdam ng inis, kung baga matatawa ka nalang kasi kahit papano may bagay na nagkasundo kami kahit na 2 weeks ago palang yung away namin. Alam ko namang natatawa yan sa ginawa ko kay Angela, nakikita naman sa singkit niyang mata.
I cleared my throat and said, "Did you say thank you? You're welcome, then."
Huminga ako ng malalim at sumulyap sa may field. It's a peaceful day, I think. Sana magtuloy tuloy na.
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
RandomBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...