Kriiiiing!
"Yeeeeeeeeeees!"
Nagsigawan halos lahat ng mga kaklase ko at halos mabingi ako sa lakas ng mga hiyaw nila. Sino ba namang di matutuwa kung matatapos na ang napakaboring na klase lalo na't napakasungit at boring ng teacher?
"Keiran! Tara! Ang bagal mo talaga kahit kelan."
Keiran Maddison Medina, she's my bestfriend eversince elementary. She's the Student Council President, a perfect package ika nga, maganda, masipag, matalino at mabait. She's the total opposite of me, sabi nga ng karamihan mataray at matabil ang dila ko. Maraming galit sakin, particularly girls. Ewan ko ba kung ano makukuha nila sa pagiging galit sakin, nagsasayang lang sila ng oras when the truth is wala akong pakialam sa kanila.
"Mauna ka na sa labas best, ayusin ko lang gamit ko. Palibhasa ikaw di naglalabas ng gamit. Tamad! Hahaha."
Nginusuan ko nalang siya at dumiretsio na sa pintuan.
I admit tamad ako gaya ng sabi ni Keiran, pero hindi naman sa puntong hindi na ko nag-aaral. Di kasi ako katulad ng ibang estudyanteng pinipilit ang sariling mag-aral at makinig sa teacher para makabilang sa honor students. I just study. Period. Hanggang dun lang, kahit na anong pilit ni mommy na mag-aral ako ng mabuti para raw kahit papano makasali ako sa honor role or to have something to be proud of. Pero para sakin I study to learn, not to impress people through those awards. Not likely she'll be proud of me if I did.
Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto may biglang naghagis eraser ng board at saktong tumama ito sa mukha ko.
Napapikit tuloy ako at napaubo dahil sa chalk dust na kumalat sa mukha ko. Sa inis, tinignan ko ng masama yung lalakeng nakabato sa eraser.
"I'm sorry! I didn't notice you," pagdispensa ng lalakeng nakabato saken.
Pakiramdam ko biglang nagsiakyatan yung dugo ko at di ko napigikang sigawan siya. Aba't ano karapatan niyang batuhin ako?!
"Heh! Bulag ka ba para di ako makita! I didn't notice, I didn't notice you ka diyan!"
"I'm sorry," tumakbo siya palapit saken at inabot yung color blue niyang panyo, "I was about to throw it to Dylan and then lumabas ka. I'm really sorry."
Nakita ko naman yung lalaking tinutukoy niya na nagpipigil ng tawa sa gilid. Si Matt Dylan Reyes, ang boyfriend ng bestfriend ko. Ang binansagang Mr. Gentelman slash Cute and Charming ng school namin.
Pero anong pake ko sa ka-gentleman'an at ka-cute'an niya?! Dapat sa kanya tumama yun ee!
Bago ko man makalimutan yung atraso ng labanos na nakabato sakin, binalik ko yung atensiyon ko sa kanya at tinabig yung kamay niyang may hawak na panyo.
"Heh! Tigil-tigilan mo ko sa sorry mong 'yan! Bwisit!"
Peste. Para naman may magagawa yang sorry niya.
Umalis ako sa harap niya at nagmadaling dumerecho sa comfort room para maghilamos ng mukha. Pagpasok ko, napatigil ako sa paglalakad nang pinagtinginan ako ng mga babae sa C.R.
"Ano tinitignan niyo? Masyado ba ko maganda para titigan ng ganyan?" tanong ko sa kanila.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at binangga yung isang mas makapal pa yung make-up ng mukha kesa sa chalk dust na nasa mukha ko.
"Eeew! Ba't mo ko dinikitan?! Kadiri! Kita mo ang dumi dumi mo?!"
"Aba. Sinong mas madumi satin? Tignan mo nga mukha mo? Akala mo siguro canvass yan para magpaint ka sa mukha mo! Recycled pa ata eh, kasi naman kahit anong takip mo ng pintura sa mukha mo panget at madumi parin!"
I don't actually like making big talk about the way I look, I'm not pretty, for me I do look like an average girl. Hindi kagaya sa kanila na akala nila may mapapala sila sa kung anu-anong pinaglalagay sa mukha nila, nagmumukha na nga silang clown eh.
Akmang sisikuhin ko yung babaeng clown kaya napa-atras siya. Tss. Titiklop rin pala ang dami pang sinasabi. Call me blunt and bully, pero ayoko talaga sa maarte.
"Let's go girls baka kainin tayo ng amazona here!"
"Mabuti pa ngang umalis kayo! I can do better than eating you, mapoison pa ko!"
Habang nakaharap ako sa sink, may narinig ako sa corridor na mga yabag ng paa na para bang tumatakbo at out of curiousity napalingon ako at nakita ko si Keiran sa may entrance ng c.r na hinihingal.
"Uy, Ionnah Faith Paredes! Nasabi sakin ni Dylan na nabato ka ng eraser ni Yossef. At tsaka narinig ko yung mga froglets sa labas yung pangalan mo? Okay ka lang?" sabi niya habang naghahabol ng hininga.
Wala naman akong pake dun sa mga froglets (as for described by Keiran) na yun eh, sanay na ko. Maraming galit sakin, masyado raw kasi akong straightforward. Like I care?
"Oo, okay lang," kalmado kong sabi sa kanya.
Ugh. May nalunok pa yata akong chalk dust! Humarap ako sa may sink at pagkatapos maghilamos sumigaw ako nang pagkalakas-lakas sa inis na halos mag-echo sa buong cr,
"Kung di lang dahil dun sa mukang labanos na mas maputi pa kay snow white na nagbato sakin ng eraser!"
Pero instead na pakalmahan ako ni Keiran, humagalpak lang siya sa kakatawa.
"Hahahahaha. Labanos? Snow White? Baliw ka na talaga! Grabe itsura mo best! Nakakatawa ka Ionnah!"
"Hoy, babae! Ako na nga 'tong sumalo sa eraser na dapat tatama diyan sa bwisit na boyfriend mo e tatawanan mo pa ko!"
"Hahaha . Okay lang yan best, crush mo naman si Yossef eh."
Tinignan ko naman siya ng masama dahil sa sinabi niya. Who the heck is Yossef? Sino na namang bakulaw sinasabi nito? Pinagtritripan nanaman ako, ang lakas kasi ng power trip nito, diko alam kung ano nasinghot niya! Alam niyo ba yung madalas sabihin ng mga naiinis na 'kung nakakapatay lang ang tingin, marami na siguro napatay ko'? I would like to apply it right now!
"Crush mo mukha mo jan! Sino ba yang Yossef na sinasabi mo? I don't even know that guy!"
Di ko naman nakikita yun, at tsaka wala akong pake sa mga lalakeng yan.
"Eh? Di mo kilala si Red Yossef Martinez!? Eh team mate yun ni Dylan sa soccer ah? Ace player at team Captain yun te!"
"Wala akong pake sa kanya." I answered her coldly.
Red Yossef Martinez? Well, I heard of his name. Actually, palagi nga e dahil nga rin siguro captain siya ng soccer team, I've seen him before pero kahit kailan di tumatak yung pagmumukha niya. Ngayon lang.
"Ayeeeee! Walang pake? Ang hot hawt kaya ni Yossef! Ito na pagkakataon mo magkaboylet!" high pitched na sabi niya.
"Aaaaaaaaaaaaah! Naririnig mo ba sarili mo!?" naiinis na tanong ko sa kanya. Pero bago pa man siya makasagot hinampas ko sa kanya yung librong hawak ko.
"Ayay! Masakit yun ah!"
"Tigil-tigilan mo ko Keiran ah."
"Haha. Di na nga! Yeeeeeeeeeee! Sige best alis na ko hinihintay na ko ni Dylan ee. Byieee! Magingat ka baka mabato ka ulit pag-uwi mo!"
Binasa ko siya ng tubig kaya tumakbo siya habang tumatawa. At ayon. Naiwan na ko mag-isa sa c.r., paglabas ko nakasalubong ko yung bwisit na nakabato sakin. Ano to? Labanos na mushroom? Ayos ah, 2 in 1.
"Hey, I'm sorry about what happen awhile ago."
Magso-sorry na nga eh parang pilit pa yung itsura, wala man lang ka expression expression! Di ko pinansin yung sinabi niya at tumalikod nalang ako, pero may biglang pumasok na idea sa aking mind!
One.
Two.
Three.
Four.
Five.
"Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Kung siya may flying eraser, ako naman may flying kick. For his information, black belter ako sa Taekwondo.
Buti nga sa'yo! Pfft.
You better not try messing up with a girl like me again.
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
SonstigesBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...