Chapter 37: Long trip

30 2 0
                                    

Ionnah's POV

"Kuya! Bilisan mo na! Male-late na tayo!" sigaw ko kay kuya Jared habang papasok ako sa kotse niya.

Ngayon ang byahe namin papunta ng Athlete's Camp and since coach si kuya ng soccer team sasama siya, buti nalang wala siyang pasok hanggang Wednesday.

Halos mapatalon naman ako sa inuupuan ko nang makita si kuya Keith at Red sa loob ng kotse.

"What are you two doing here?" tanong ko sa kanila.

"Ihahatid ko kayong tatlo sa school since Jared can't drive with his hand injured."

Yeah. Kuya Jared totally freaked out yesterday when I told him I already watched TFIOS. Daig niya pa yung batang nagdadabog kahapon at hindi niya napansing naihampas niya ng malakas yung kamay niya sa sahig.

Ibinaling ko yung tingin ko kay Red. "And you?"

Tinignan niya lang ako saglit at inilagay yung headphone sa tenga niya.

Seriously? Para san yun? He is just so bipolar. The other day he was this playful guy and now he's back being the total jerk again.

Inirapan ko siya at sinigawan si kuya Jared. "Kuya! What the hell's taking you so long?! Malelate na tayo!"

Don't get me wrong pero ayoko talagang nale-late. Kahit na tatamad-tamad akong nagnotes at makinig sa klase one thing na natutunan ko being an athlete and student is being punctual.

"Ate Scarlet ask me na isabay na si Red since walang maghahatid sa kanya." Pageexplain ni kuya Keith.

At after ten years dumating na si kuya!

"Red!" bati niya kay Snow White.

Inalis niya yung headphones sa tenga niya and nagumpisa na silang magkwentuhan.

Pagdating namin sa school halos lahat na ng athletes eh nakasakay na sa dalawang bus. And almost all the students are glaring at us. Eh paano ba naman, fifteen minutes late kami!

Lumapit si Ate Courtney, our school directress a.k.a childhood friend nila kuya at binatukan sila at si Red.

"Alam niyo ba na 8 pm ang byahe natin at halos mag e-8:30 na ngayon lang kayo dumating! Halos gisain na ako ng tanong ng faculty dahil sa inyo! Dinamay niyo pa si Ionnah sa kabagalan niyo!"

I smiled at her action. Principal siya ng school and yet ganito parin siya kumilos.

Nakita ko naman si Gab sa bintana sa bus na napa-face palm. Don't blame him, kapatid niya si Ate Courtney  kaya ganyan nalang siya makareact.

"Ate Courtney naman! Ikaw ang principal ng school hinahayaan mo silang gisain ka?" pangasar ni kuya Jared sa kanya.

Binatukan niya ulit si kuya Jared at tumingin sa akin and then kay Red.

"You two! Sakay na. Iwan niyo na gamit niyo diyan at ipapalagay ko nalang bus."

Tumango ako at naglakad papunta sa bus.

Rinig na rinig ko naman yung bulungan ng estudyante pagkasakay na pagkasakay ko sa bus.

"Di man lang nila inisip yung oras."

"Baka naman iniisip nila na simpleng school trip lang ang pupuntahan natin."

"And di man lang nila kinonsider yung ibang tao."

I just sighed and let them say whatever they want. Naghanap ako ng bakanteng upuan pero ni isa wala na ako nakita kundi yung empty seat sa tabi ni Red.

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon