Ionnah's POV:
"Go Montgomery Academy ! Whoooo !"
Rinig na rinig ko naman ang bawat hagikgikan, sigawan at tilian ng bawat students sa field. Kaya ayokong nanunuod ng mga ganitong event eh . Rhodesway Academy ang kalaban ng school namin ngayon. Sabi nila Keiran matinik daw na kalaban ang Rhodesway Academy . Well , I don't care.
"Yna!" Hinanap ko yung sumisigaw ng Yna. Ang pagkakaalam ko isang tao lang tumatawag sakin ng Yna. "Yna! Sa baba!" Tumingin ako sa baba at nakita si Gabriel, ang kauna-unahang lalaking naging ka-close ko. Aside from Keiran, Lianne at Lauren isa siya sa pinakamalapit kong kaibigan.
"Gab!" I flashed a big smile and waved at him.
"Long time no see! I-cheer mo ha!"
Kasali kasi siya sa game kaso sa kabilang team siya. Nagtransfer kasi siya nung second year kami.
"Bat naman kita ichi-cheer? Di naman kita kateam!" Sigaw ko sakanya at biniletan siya.
"Sige na! Mahal mo naman ako!" Pagkasigaw niya nun, halos lahat ng tao binaling yung atensyon sakin. Sinennyasan ko naman yung mga tao na nakatingin sakin na hindi totoo yung sinasabi niya. Lokong to, pagtripan ba ko sa harap ng maraming tao. Pagkitingin ko sa kanya, ngiting-ngiti naman siya. Ihinarap ko yung kamao ko sa kanya na parang susuntukin siya. Kung nasa harap ko lang talaga siya nabugbog ko na yan . -____-
Nagpaalam naman siya paalis para magwarm-up.
"Loko yun ah. Di man lang kami napansin." pagrereklamo ni Lauren.
"Walanjong Gab yun. Nakakahiya." Bulong ko sa kanila. Nagtawanan naman silang tatlo. Hinanap naman namin yung reserved na upuan namin, halos buong klase namin nandito para manuod, kaya iisang spot nalang kinuha namin. Maganda yung view namin, medyo malapit siya sa announcer at panlimang layer siya ng bleacher magmula sa baba kaya naman mapapanuod namin ng maayos yung game.
"Ano nga pala yang hawak mo Yona?" napangiti naman ako sa tanong ni Lianne sakin.
"Di ba sabi ko ichi-cheer ko si Red." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Hoy! Ionnah Faith! Anong binabalak mo? Di ko gusto yang ngiti mo ah?" Tanong ni Lauren.
"Ahihi. Hintayin niyo nalang."
Almost one hour din bago nagsimula yung game, sa ngayon wala pa namang nakaka-goal, I should say nakakatuwa rin pala talaga manuod, kaya pala ito piniling sports nila kuya kesa basketball.
"Go Dylan! Go number 7! Whooo!" Waaaah. Ang ingay ni Keiran.
Di ko yata kayang gawin to.
"Oy! Asan na yung cheer na sinasabi mo ha Yona?"
"Mamaya! Eh ang ingay ni Keiran!"
"Shonga! Makipagsabayan ka sa ingay! Di ka makakasolo dito! Andami kayang tao." Sigaw ni Lianne sa may tenga ko. Medyo maingay nga eh. Nakakahiya naman kung magsisisigaw ako dito.
Pero pano na yung evil plan ko?
Bwisit kasi yung Snow White na yun, grabe kung ipahiya ako!
Huminga ako ng napakaalalim itinaas yung banmer na hawak ko at sumigaw ng pagkalakas-lakas.
"GO SNOW WHITE! GALINGAN MO!"
Halos hindi maipinta yung mukha niya nang makita niya yung banner na hawak ko. HAHAHA . Buti nga sa'yo. Ganito pala feeling ng matagumpay na revenge.
Keith's POV
"Ano ba yan! Bat hinayaan ni Red na makagoal yung kalaban! Yan ba nangyari sa recruit mo kuya!" binatukan ako si kuya pagkasigaw ko. Nandito kami ngayon sa school nila Faith para manuod ng game. Kasama ko ngayon si ate Scarlet, si kuya at Erika.
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
RandomBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...