Chapter 2: Her Family

79 0 0
                                    

Di na ko nagabalang lingunin pa siya matapos ko siyang patiman ng flying kick ko, naglakad nalang ako palayo sa kanya baka tuluyan ko pa siya at pagbabaliin ang buto niya. He's not even worth giving time.

Habang naglalakad nakita ko sa gate si Manong Eduardo na naghihintay. Driver namin siya, oo, I live in a wealthy family, lahat ng gustuhin ko nakukuha ko, pero despite all the wealth I have, may kulang parin. Kagaya ng ibang pamilya na meronng malaking bahay, magarang sasakyan, apelidong kilala ng karamihan, naroon at naroon parin yung katagang may kulang.

I brushed away the thought of that family thing, that guy is already enough to make my day bad. Ayoko nang mabadtrip pa.

Pero bago ako pa man ako makalabas ng gate tumakbo muna ako papuntang canteen at bumili, mag a-alas sinco na kasi baka magsara na.

Pagkabalik ko inabot ko kay Manong yung binili kong burger at mineral water at umupo sa backseat.

"Hi manong! Tara! Uwi na tayo. Ito po." bati ko sa kanya.

"Ah, salamat Ionnah. Napakabait mong bata."

Napangiti nalang ako sa sinabi niya, sa mga ginawa ko kanina you wouldn't believe na sa ugali kong 'to mabait ako. Hindi naman masama ugali ko, maayos naman ako makitungo sa mga tao, maliban nalang kung ayaw ko sa kanila.

"Sus, si manong talaga. Bayad po yan sa paghihintay mo sa akin."

Pero kahit ano parin namang pagpapakabait ko walang pakialam si mommy. Ewan ko ba pero she treats me as if I'm not her daughter. Kaya naman kahit kailan di ko na pinilit yung sarili kong maimpress si mommy. I was never the daughter she wanted, pakiramdam ko para sa kanya ako yung black sheep, ako yung anak na walang ginawang mabuti kundi magpasakit ng ulo niya when literally wala naman talaga akong ginagawa.

"Kuyaaaa! Ibalik mo sakin yan! Ano baa!"

Rinig na rinig ko naman yung sigaw ni kuya Keith pagkababa ko ng kotse. I'm sure pinagtritripan naman ni Kuya Jared yun. Palibhasa kasi napakalaki ng katawan at eto namang isa payatot, well not that payatot na walang kalaman laman sa katawan, payat lang talaga siyang tignan kapag nasa tabi siya ni kuya Jared.

"You have the most beautiful laugh I've ever heard. Ha? Hoy Keith kailan pa nagkamukha ang tawa? Hahahaha. Ang korni talaga! Napakamakaluma mo" pang-asar naman ni Kuya Jared.

"Akin na yan! Kasi naman eh!"

You have the most beautiful laugh I've ever heard? Eh? Ano yun?

Patuloy ako sa paglalakad at iniisip yung mga sinasabi nila kuya habang umiinom ng gomu gomu.

Loading...

Halos masamid ako nang marelize ko yung narinig kong sinabi ni kuya Jared.

Waaaah! HAHAHA. Love letter? Aish.

Napakatorpe talaga ni kuya Keith kahit kalian, eh wala naman dapat ikatorpe, matalino siya, gwapo, gentleman, masipag, responsable, seryoso sa buhay, Medicine student, he's any girls' ideal man minus the torpe style. Kaso ligaw tingin lang naman kung may nagugustuhan. Anyway itong isa naman eh kabaliktaran niya, 20 years old na pero may pagka-isip bata at may saltik sa utak and fortunately mild lang, gwapo (syempre) at laking pasasalamat ko kasi matalino rin naman siya kaya may karapatang mambabae dahil isa siya sa mga listahan ng mga playboy. And one thing that I'm proud of this two is they're one of a hella good brothers.

At bago pa man mag-explode yung nangangamatis na mukha ni kuya Keith, pagkapasok at pagkapasoko ko sa loob ng bahay nagsalita na ko.

"Andito na ko."

"Oh, bunso. How's your day" nauutal na tanong slash segway si kuya Keith para malihis yung atnsyon ni kuya Jared sa kanya. I know them very well, kaya wala ni isang emosyon ang maitatago nila sakin.

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon