Chapter 38: Danny

34 1 0
                                    

Ionnah's POV

"Oh, hello there Ilocooooooossss!"

Tinakpan ko yung tenga ko nang sabay sabay magsigawan si Keiran, Lianne at Lau pagkababa namin ng bus. Alas singko palang ng umaga nagsisigawan na sila.

"I am so exciteeeed girls! Let's go boy hunting!" sigaw ni Keiran.

Hinila ko naman yung hood ng jacket niya nang magumpisa na siyang maglakad.

"Hoy babae! Andito tara para sa training at hindi para maghanap ng lalake mo! Unahin mo muna yung luggage mo bago ka mag-boy hunting."

Sinimangutan niya lang ako at nagdabog at hinanap yung luggage niya.

"You're so KJ, bessie! Di porket may boylet ka na!"

I stood there frozen. What the heck? Ano pinagsasabi ni Keiran? Ako? Merong ano?

Halos mawalan naman ako ng balanse nang may bumangga sa akin. I turned around and poof! The guy who I can't stand the most was the mastermind. Napakaluwag ng daanan at sa kinatatayuan ko pa naisipang dumaan nitong Snow White na to!

"Bessieee! Here's your luggage!"

Lumapit siya sa akin hila hila yung luggage ko. Kita mo to, kanina nagtatampo sa akin, ngayon siya kumuha ng luggage ko.

Maybe its human nature to be weird and bipolar.

Bago kami pinapasok sa Campsite ginather muna kaming lahat at kinausap ng Sports Club Head Adviser. May halos 80 athletes ang nandito ngayon, which is composed of 2 year levels, the juniors and the seniors. Inabutan kaming lahat ng tigi-isang susi para sa kwarto namin. Sa isang room may limang estudyante. Last year, isang linggo kami na sa tent natulog pero ngayong taon since naisip nila na mas maganda na mabigyan ng maayos na pahinga yung katawan namin (since were here to train), pinili nila na magkaroon kami ng sari-sariling cabin.

Nagkalat yung mga estudyante at nagpunta sa sari-sariling cabin. Syempre kasama ko yung tatlo. Nagsitalunan naman silang lahat sa kama pagkabukas na pagkabukas namin ng kwarto. Malaki yung kwarto, may lima itong kama na nakahilera sa iisang row na may tigi-isang nighstand at table. Sa pinakadulo ng kwarto may dalawang banyo at sa gitna ng dalawang pintuan eh naka-kabit yung concentrated aircon. Walang T.V since, ayaw ng mga coach na magpupuyat kami during trainings and sessions.

They told us to rest muna kasi nga halos walong oras din ang byahe from Manila to Ilocos and then kapag 8 am na magpunta na kaming lahat sa dining hall.

Nakahiga na kaming lahat nang biglang bumukas yung pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?!" sabay sabay na tanong nung tatlo nang pumasok si Kaori.

"I'm your roommate."

Dumerecho siya sa pinakadulong kama, which is katabi ng kama ko.

"Hindi ka naman athlete ah?" tanong ni Lianne.

Hindi siya umimik at tinaas lang yung DSLR niya.

Liningon ko yung tatlo at hanggang ngayon clueless parin sila.

"For the documentation daw. Remember? Photojournalist siya? Its for the school paper, 3 idiots" Pageexplain ko sa kanila.

Tinitigan nila ako ng masama.

"Wow ah! Idiot? Says the girl who barely study!" reklamo ni Lau.

Hinayaan ko na silang magdaldalan at nagpahinga na ako. Luckily, nakatulog ako kaagad.

Pagkagising ko tulog na tulog pa yung tatlo since 6:30 palang, si Kaori naman nakaalis na. Pagkaligo ko isinuot ko yung Camp Shirt namin na may maliit na logo ng school namin sa harapan at sa upper part ng likod naman nito, nakasulat yung surname ko.

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon