Chapter 35: Secret

28 1 0
                                    

Red's POV

"Reeeeed! Punta lang ako sa bahay nila Jared ah! Ibabalik ko lang yung notebook ni Erika."

Natigil ako sa ginagawa kong homework nang bigla akong tapikin ni Ate.

Tinignan ko siya at kinuha yung notebook sa kanya.

"Ibabalik mo lang ba talaga yung notebook o si kuya Jared lang talaga sadya mo?"

Sinimangutan niya ako at umalis sa kwarto ko. Pero matapos ng ilang segundo bumalik rin siya na nakasimangot parin.

"Can't you just—

"Move on? G*go! Sa tingin mo ganun kadali yun?"

Napabuntong hininga lang ako sa sinabi niya. Hindi niya talaga matigil-tigilan yang one-sided love na kalokohan niya.

"Don't use the word move on kasi kahit kailan di naman naging kayo. Akala ko yung bituka mo lang ang nagkaproblema yun pala pati utak mo nagka-buhol-buhol na rin."

Binatukan niya ako. "Ikaw! Akala mo kung sino kang expert sa lablayp ikaw naman tong kahit kailan hindi nagka-girlfriend ng seryoso! Ni wala ka nga yatang nagustuhang babae sa tanang buhay mo!"

"Sino may sabing wala akong nagustuhan ni isa?! May nagustuhan ako dati kaso iba ang gusto niya!"

Natigil kaming dalawa sa sinabi ko. Bigla naman akong inakbayan ni Ate at siniko.

Kahit kailan kasi hindi ko nasabi sa kanya na nagkagusto ako kay Keiran kaya ganyan nalang reaksyon naming dalwa. Sa panahong kasi yun may gusto na si Ate kay kuya Jared kaya ayoko rin lang sabayan yung katangahan ng kapatid ko.

"Sino ba yan kapatid kong pogi? Di ko alam na naging tanga ka rin pal—

Inalis ko yung pagkaka-akbay niya sa akin at hinapas yung noo niya ng mahina gamit yung notebook niya.

"Hindi ako nagpakatanga kasi hindi ko tinuloy. At kung inaakala mong mahirap magparaya, hindi. Kung walang point yung pagpapakatanga mo mas okay na lang ang sumuko ka."

Inalis ko sa pagkakatali si Orange at isinama siya sa paglalakad. Matagal ko na ring hindi naipapasyal tong aso namin kaya naisipan ko nalang maglakad papunta sa bahay nila kuya Jared at isama siya.

"Oh, Red! Akala ko ba si Scarlet magdadala ng notebook ni Erika?"

Kinuha niya sa akin yung notebook at umupo sa sofa.

"Ini-spoil mo yata ang kapatid ko? Pag ginawa ko yun mas lalala yung kahibangan niya sayo."

Tumawa lang siya at inalok akong umupo. "Masyado lang akong pogi kaya hindi ako makalimutan ng ate mo."

Lumapit ako at binatukan siya. "I'm just worried na baka malaman ni ate Erika at mag-away pa sila."

"I know. Kaya kung maaari nga iniiwasan ko na ang ate mo."

Tumango lang ako at nag-paalam.

"Uwaaa! Ang cute cute mo naman! Ano pangalan mo?"

Paglabas ko ng bahay nila kuya Jared nakita ko si Ionnah na nilalaro si Orange.

"Orange." mahinang sagot ko.

Napabalikwas siya sa pagkakaupo. "Nagsasalita ka?!"

Tumawa ako sa sinabi niya at lumapit sa kanya. "Spinal cord mo yata ang nagkaproblema at naapektuhan yang pagiisip mo."

Nanlaki naman yung mata niya nang makita ako. Pero nakabawi rin agad siya at ako naman ang nagulat ng may binato siya sa akin.

Nabigla ako kaya halos matumba ako sa pagsalo dito. Tumayo ako ng maayos as tinignan yung hinagis niya sakin. Maliit ito na box.

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon