Ionnah's POV
What causes high temperature superconductivity?
I stared at my Physics book hopelessly kasi naman ang hirap ng homework namin! By the looks of it I'm sure bagsak rin ako quiz bukas. This past few days hindi ko maiwasang hindi makinig sa mga discussion sa class, lagi akong lutang at di makaconcentrate. And right now, I have nothing else to do but to stare at my book and wonder what the heck ate those questions!
At dahil nga hindi ko alam ang mga isasagot ko, humiga nalang ako sa sofa at nanuod. Inilipat ko sa Star World yung T.V and it happen na Grey's Anatomy ang palabas. The girl was talking to an old man lying on a hospital bed and then a doctor enters the room.
Naalala ko tuloy si kuya Keith. Ano kaya itsura niya kapag maka hospital gown siya? Second year medicine student kasi si kuya, ewan ko ba kung saan niya nakuha yung ganoong utak para pagtsyagaan ang Medicine, buti pa siya eh ako isang tanong na nga lang di pa masagot.
I continue watching and then it hits me, si kuya Keith ang makakasagot sa tanong ko!
Tumakbo ako pataas para pumunta sa kwarto ni kuya Keith nang maabutan ko si kuya Jared na palabas sa room niya, at sa porma niya ngayon, may lakad yata siya.
"Oh, Faith? Tapos mo n—
Hindi na niya natapos yung sinasabi niya nang biglang nagring yung phone niya.
"Oh, hello?"
And upon seeing the caller ID biglang nagspark yung mga mata ni kuya. And I wonder who that caller is?
....
"Ah, hindi. Okay lang."
But I was surprised nang biglang nawala yung ningning sa mata niya, it's as if nakarinig siya ng bad news, biglang napalitan ng sadness yung makikita sa mga mata niya.
"No, no. It's fine."
Napataas nalang ako ng kilay sa sagot niya, ganyan ba ang itsura ng okay lang? Itsura palang niya lumong lumo na siya.
Huminga naman siya ng napakalalim pagkatapos niya makipagusap.
"Yan ba ang okay lang ha kuya?" tanong ko sa kanya pagkabulsa niya ng phone niya.
Pero imbes na sumagot siya, bumuntong hininga nalang siya ulit.
"Inaako mo kasi lahat ng problema, nandito ako oh."
Linapitan ko siya at siniko. Nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ni kuya Keith at lumabas siyang may kausap sa phone niya.
"Sige, palabas na ko ng bahay. Just text me where. Okay. Bye."
May lakad rin yata siya. Tinitigan ko siyang maiigi. Halatang nagmamadali pero kitang kita yung saya sa mga mata niya. Opposite sila ng nararamdaman ngayon, si kuya Keith masaya, si kuya Jared naman malungkot.
Kumaripas siya sa pagtakbo pababa, di man lang kami napansin ni kuya Jared. Masyado yata siyang excited. Napangiti naman ako dahil sa thought na baka sagutin na siya ni Ate Erika!
"Hihi. Magkakagirlfriend na yata si kuya Keith." Lumingon ako kay kuya Jared at napansing hindi maipinta ang mukha niya. Bumalik ulit siya sa kwarto at binagsak ng malakas yung pintuan.
Natigilan ako sa ginawa niya, its unusual of him to act that way. Hala. May nasabi ba ko?
Kumatok ako ng paulit ulit pero di ako pinapansin ni kuya.
"Kuya? Ano problema? Okay k—"
"I'm fine! Hayaan mo muna ako!"
Di ko na siya kinulit kasi halata namang badtrip siya. What's with them? I feel something weird going on between those two. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari.
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
AcakBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...