Ionnah's POV
It's been weeks, probably one or two, and it I felt even emptier than before. Masyadong malamya ang kinalabasan ng nangyari, yung tipong bababa ako galing sa kwarto para kumain at pumasok nang walang kinakausap tapos papanik sa kwarto nang hindi man lang tinitignan sa mata yung mga kasama ko sa bahay, maski si daddy at sila kuya hindi ko iniimik. Ginagawa ko to hindi dahil sa nagmamatigas ako kundi gusto ko makapag-isip ng malinaw at narealise kong mali yung mga ginawa ko.
Siguro para sa iba pagrerebelde ang ginawa ko, tumakas ako sa bahay, naglasing, hindi umuwi ng halos bente kwatro oras, ang labas isa akong sakit sa ulo at black sheep sa pamilya. Slightly, tama pero ginawa ko yun para makalimot, which I realized is, it was all wrong and a mistake. Salamat narin siguro dun kay Snow White kaya kahit papano nalinawan tong matigas na bungo ko.
"Faith, leggo!" tawag sakin ni kuya Jared habang nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto ko at nasa likod niya si daddy at kuya Keith na nakangiti. It's very welcoming, yung mga ngiting yun, those were one of the reasons kaya hindi ko piniling sumuko kasi alam ko nandyan sila palagi, they accept me with all my flaws.
"Ready?" tanong ni daddy.
"Mm." tumayo ako sa kama at huminga ng malalim.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nila daddy pero napagdesisyunan ko nang, ngayon aalamin ko kung sino talaga ako. Naalala ko yung sinabi ni daddy nang sinundo ako nila kuya sa park,
"Anytime, when you're ready I will tell everything to you. And remember this Faith, I am your father, ako ang papa mo, ang daddy mo."
Masyado na akong naguguluhan, marami akong nalaman na hindi ko naman maintindihan.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Ionnah kasi hindi ikaw ang nawalan ng anak."
And I think it's already time para i-sort out ko lahat ng mga nalaman ko.
Nagulat ako nang tinigil ni daddy yung kotse sa isang sementeryo. I was expecting na sa bahay-ampunan o kahit anong lugar kung nasaan ang tunay na magulang ko. Pero sa isang sementeryo?
Bumaba ako ng kotse at sinundan sila daddy and they stopped in a small chapel-like lodge, I don't know what they call this, but what I am seeing inside now is a grave. Sa tabi nito may isang larawan ng babae na nasa early 30's siguro.
She's beautiful... Sino siya?
"How are you, Aina? Pasensya na ha, I think I broke my promise." Sabi ni daddy habang nakahawak sa batok niya at nakangiti. "She's beautiful, isn't she? Parang ikaw lang..."
"And I'm sad na hindi mo na yata masusuntok si daddy 'coz he broke his promise. And, tita, that girl over there, she punch as hard as like you did before, right, dad?" natatawang sabi ni kuya Jared at inilipag yung bulaklak. The flowers' pretty, though hindi ko alam kung ano ang pangalan.
I was expecting na susunod na magsalita si kuya Keith kaso nakatayo rin siya sa tabi ko na halatang hindi alam ang nangyayari. Tinignan ko si daddy and I was surprised nang nasa likod ko na siya. Hinila niya ako papalapit sa nitsyo at sinabing,
"Peony is your mama's favorite flower. Pretty isn't it?"
"I... I..." gusto kong sabihing hindi ko maintindihan ang nangyayari pero halos bulong lang ang lumalabas.
Pakiramdam ko lahat ng bagay sa paligid ko tumigil. Yung paggalaw ng dahon sa bawat sanga ng puno, yung paglakad ng mga tao sa paligid at higit sa lahat, yung pag-function ng utak ko.
"Lorraiana Alvarez. You resemble your mother so much, Faith. What do you think?"
"Whoa. Wait. Dad, you had an affair?! And anong koneksyon ni Faith sa babaeng to? Faith is my sister and-
"Shut the hell up, Keith. Watch your words or else I'm gonna stab your dirty mouth. Makinig muna kayo." Sagot ni kuya Jared kay kuya Keith. "Go ahead dad."
"Yes. Keith you're right. I did have an affair with her... Seventeen years ago when me and Marissa had some kind of serious fight and nagkita ulit kami Lorraina." sabi ni dad habang nakatingin sa picture ng babae. "And I... I was a jerk. I made a mistake, hindi ako naging maingat."
"And you slept with that woman because you screwed up?" sigaw ni kuya Keith na halatang naiinis "Because you had some fight with mom? What kind of woman is she to sleep with a man who have children?! She's a wh-
"Say it or I'll hit you." kuya Jared warned him.
"Or I guess I'll do the honor." pagkasabi ko nun binigyan ko isang malakas na suntok si kuya Keith. "She's my mother. Say a word na hindi maganda sa pandinig ko you'll be the next one lying on this ground."
"That's enough. Faith, nasa harap ka ng libingan ng mama mo."
"I don't care. Di ba sabi niyo parehas kami and I think she'll be proud coz I beat a jerk who's acting as if he knows everything!" I exclaimed.
Leche, nanay ko pinagsasabihan niya ng ganyan. Oo, kapatid ko siya pero, wait, kapatid ko nga ba siya? Kung hindi, di ako magdadalawang basagin yung mukha niya. Psh.
"That's it, Faith! Kaya ganyan si Keith ngayon kasi hindi niya alam. Now, both of you calm down. I never thought na mamamana niyo katigasan at pagiging mainit ng ulo ng mga nanay niyo. Tandaan niyo, magkapatid kayo."
Tinignan ko si kuya Keith na ngayon eh nakaupo sa sahig. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa parehas kaming kumalma. Inabot ko yung kamay niya at tinulungan siyang tumayo. Umupo kami sa bench habang si daddy nakatayo parin at nakatingin sa picture.
"I don't get it dad." Kuya Keith said, "Ang pagkakaalala ko si Faith, kapatid ko siya, I was there when she was born-
Ano ba sinasabi nila? Konti nalang talaga sasabog na tong utak ko.
"And after three days bumalik ka sa States. You were two years old that time Keith, and as I expected hindi mo pa naintindihan ang mga nangyari noon. The Faith with us right now is not the Faith you knew." Pagexplain ni daddy.
"What the eff." Bulong ko. Hindi na ma-contain ng utak ko mga sinasabi nila. What is he saying na I am not me? Who the hell is Faith ba kas-
"Faith? She's not even Faith!"
Nanlamig yung kamay ko nang maalala ko yung narinig kong sinabi ni mommy nang nagaaway sila ni daddy nun. So kung hindi ako si Faith?
"Sino si Faith?" I ask impatiently.
"Our sister." Sagot ni kuya Jared. "She died in a car accident..."
Sa dami ng tumatakbo sa isipan ko, hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Faith. Kapatid raw namin siya. Kung hindi ako si Faith...
"Then who am I?"
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
AcakBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...