Chapter 10: One-Sided

58 0 0
                                    

Jared's POV

"Awww."

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit at pakiramdam ko may pumupukpok ng napakalakas. Parang umiikot na rin yung buong kwarto ko dahil narin sa sakit ng ulo ko o sa hilo.

"Oh. Inumin mo to."

Napapitlag ako nang pumasok si Keith sa kwarto ko.

"Keith?"

Tinitigan ko lang siya. Nakapagtataka lang kasi. Kagabi galit na galit siya sakin tapos ngayon siya pa nago-offer ng tomatoe juice sakin.

"Don't look at me like that," umiwas naman siya ng tingin.

"Akala ko ba galit ka?"

"Ano pa bang magagawa ng galit ko kung nangyari na. Maibabalik pa ba?"

Bumangon ako sa pagkakahiga at ininom yung tomatoe juice.

"Ek. Ang pangit ng lasa!"

Pagkasabi ko nun binatukan niya ko at dahil dahil narin dun napakunot ang ulo ko. I don't really understand him.

"Sino ba kasi may sabing uminom at magpakalasing ka kagabi!?"

"Hoy! Bat ka namamatok? Kuya mo ko ah!"

"Kuya nga kita, mas isipbata ka naman sa akin."

"Hey. When did you get that courage to talk to me like that?"

"Kagabi..."

He answered me in a different tone, imbes na sagot sa tanong ko parang may halong katanungan pa yung sagot siya.

"Huh?"

"Let's just say, hanggang ngayon naguguluhan parin ako tungkol kay Faith. Everything you talked bout last night was like an incomplete puzzle to me. And nakakabading man na sabihin, I'm lucky and thankful to have a brother like you. Last night, I just realized how good brother you are, from giving up your dream of becoming a doctor for me, I have no right to steal another dream of yours."

Bat niya ba sinasabi mga to?

"But last night, di ko lang napigilan sarili ko. Sino ba namang tao ang di mabwibwisit sa ginawa mo?"

"Tama na yan. Ikaw na nga nanalo aawayin mo pa ko."

Tinaasan niya ko ng kilay at tinignan ng masama na parang napaka clueless kong tao.

"What?! So titigil ka nang di nililnaw ang nangyari?"

Mas lalo lang ako naguluhan sa sinasabi niya?

"Ano ba talaga nangyari? Diba ikaw yung sinagot ni Erika?"

Isang malakas na batok na naman ang natanggap ko sa kanya.

"Di pala ako ang bopols dito eh! You think I'll act that way kung ako sinagot? Lika puntahan natin si Faith."

Hindi ako nakasagot sa pagtataka kaya hinila nalang niya ako papunta sa kwarto ni Faith, at hanggang ngayon loading parin yung utak ko.

Wait. Talaga? Hindi siya sinagot? Ibig sabihin?????

"Oy Kieth!!!!"

"What?!"

"Talaga ba?"

"Kadiri ka. Ang bakla mo."

"Ano nga?!"

"Shut up will you?"

"Ano nga kasi!"

"Hindi nga ako sinagot!"

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon