Chapter 11: RED

58 0 0
                                    

Red's POV

Walang humpay parin ako sa kakatawa pagkauwi ko.

I can't really explain her face sa nagawa ko sa kanya kanina. Take note, NAGAWA, it means di po sinadya.

Well, it wasn't really on my plan na ipahiya siya. Nagkataon lang talaga nang napalakas ang sigaw ko. It wasn't really my intention.

Ganito kasi yun.

We were on the soccer field during our MAPEH subject. And our teacher decided na soccer muna ang P.E namin for today. And kami nila Dylan, Enzo at George ang in charge.

( A/N: Enzo and George are characters from the story Hey There Snowman of YeyesGirl . Hiniram ko muna mga prince charming ni Yumi :D Thank you Unnie! Try reading her stories too !)

Tinuro namin yung basics. Pero habang nagtuturo napansin ko si Faith na di mapakali.

Everyone's enjoying the p.e and yet si panget nakaupo lang.

"Ionnah! Dali try mo! Ansaya pala magsoccer. Hihi." pagaaya ni Keiran kay panget.

"A-a-ayoko. Okay na ko d-dito."

"Enjoy to oy Faith! Lika na kasi!" pamimilit naman ni Lauren.

Halos hilahin na siya patayo nung dalawa ayaw parin niya.

"Okay guys, ibinilin para ni ma'am na magreport kami about this session. So, you better participate." Pagkasabi ko nun, tinignan ko naman si panget habang nakangiti. And I saw her glaring at me too. Kung nakakatunaw lang ang titig daig ko pa siguro ang ice cream ngayon. Sa itsura niya ngayon, lumong-lumo talaga siya.

"Ionnah Faith Paredes!" pagkabigkas ko ng pangalan niya mas nanlisik yung mga mata niya.

"Tatayo ka ba diyan o ako mismo hihila sayo? One kick is enough. Para kahit papano maireport na nagparticipate ka. Now stand." Iniiwas niyan yung tingin niya at di pa rin tumayo.

Di ako nakapagpigil at pumunta ako sa harap niya. Ngayon ko lang napansin na parang may prinobroblema siya. Parang napaka-uncomfortable ng itsura niya nagyon.

And I don't care. Pag nagtuturo ako, seryoso ako, ayoko ng maaarte.

"Ang tigas talaga ng ulo mo ha? TUMAYO KA NA NGA!" medyo napalakas yumg sigaw ko kaya naman medyo napangiwi siya.

Tinignan ko yung iba at nalaman ko na lamang na lahat sila nakatitig samin.

Hiniwakan ko yung braso niya at itinayo siya.

"Ano ba, Red! Ayoko nga eeeeh." Sa tono ng boses niya parang nagmamakaawa siya na nahihiya. Pero wala siya nagawa, itinulak ko siya papunta sa mga naglalaro.

"Just have one--" nalatigil ako nang mapansin na, na, na..

"HOY, FAITH MAY TAGOS KA!"

Halos tumigil yung buong klase namin sa lakas ng sigaw ko. Pati yung mga pauwi na, narinig rin. Grabe, di ko napansin napalakas pala.

Nakita kong nagform yung bibig niya ng 'wow'. She probably wants to kill me right now. Napakamot nalang ako ng ulo. Gusto ko sana tumawa pero parang ang sama ng tingin ng mga babae sakin ngayon, habang yung iba nagsisitawanan na. And after three seconds..

Booogsh!

Her goal.

Sinipa niya yung bola papunta sakin at natamaan yung tuhod ko. At di pa siya nakontento kumuha pa siya ng ibang bola at pinagbabato ako.

"I HATE YOU FOREVER RED YOSSEF MARTINEZ! PAG AKO GUMANTI LAGOT KA SA AKIN!"

And that was it, kaya ako pinuntahan ni Keiran at Lauren sa bahay para mabatukan. Kasi hanggang ngayon, nagiinit pa raw si panget, na halos masunog na ang bahay nila. HAHAHA . That's why nageenjoy ako makipaglaro sa kanya eh .

Ionnah's POV

"WAAAAAAAAAAAH ! NAIINIS NA TALAGA AKO SA RED NA YAN !"

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko isinigaw ko na lahat ng inis ko sa pulang snow white na yun! Kayamot siya! Ang sarap ipahila sa chariot? Yung tipong ginawa ni Achilles kay, kay , kay Hector ba? Ano ba pangalan nun ? Basta dun sa Troy the Movie >______<

He'll surely regret playing with me. Hintayin lang niya yung move ko.

Pero ano nga ba gagawin ko ?!

♪Loving him was like driving a new

Maserati down a dead end street

Faster than the wind, passionate as sin, ending so sunddenly

Loving him was like trying to change your mind once you're already flying through the free fall

Like the colors in autumn so bright just befire they lose it all

Losing him was blue like I never known

Missing him was dark gray, all alone

Forgetting him waz like trying to know somebody you never met

But loving him was red

Loving him was red ♪

Eh ?! Nak ng pusang gala ! Bat yun yung ringtone ko ?

Keiran Maddison Calling

"Yow! Loving him was red, re-eh-eh-ed ! HAHAHA . Hello Ionnah? Are you there?"

"Hoy , Maddison! Ikaw ba magpalit ng ringtone ko ?! Nangiinis ka rin noh? Gusto mo paguntugin ko kayo nung walanjong snow white na yun ?!"

"Ahihi . Actually kami ni Lauren, blinutooth nia yung song ni Taylor Swift na tas ako nagset! Ang cute diba ? Re-eh-eh-ed !"

"HAHAHAHA . Itigil mo na yan hoy Maddison , take note may visitor siya ngayon. RED alert ! HAHAHA ." Rinig ko namang sabi ni Lauren sa kabilang linya.

"You two! Humanda kayo bukas!"

"Wew, chillax ! Haha . Papunta kami ngayon kay Re-eh-eh-ed ! Hahaha . Ang cute talaga ng kantang yun. And by the way, papunta kami ngayon para batukan siya! Kaya see ya bukas bessie ! Hahaha ."

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa sobrang badtrip.

Kayamot talaga yung dalawang yun, pagtripan ba ko -______-

Gaganti talaga ako. No matter what . Humanda ka Red Yossef Martinez.

The Penalty KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon