Ionnah's POV
Pagkababa ko wala akong marinig na ingay. Tinignan ko naman yung relo ko.
6:30 a.m?
Bat wala atang tao? Dumeretsio na ko palabas ng bahay nang makita ko sila sa garden eating breakfast.
"Good morning baby!" nagulat naman ako nang binati ako ni Kuya Jared akala ko kasi umalis na silang lahat.
"Kain na!" sabi ni Kuya Keith.
"Ah. Sa school nalang kuya."
"Why? Maaga pa naman anak. C'mon, take a sit," sabi ni daddy.
O-oo na sana ako ng biglang nagsalita si mama.
"Wag niyong pilitin ang ayaw. She doesn't even know to appreciate such courtesy. She can go."
Napabuntong hininga nalang ako at sumakay sa kotse. Yeah, she's always that cold to me. And I stopped wonder why.
"Amboring talaga pumasok."
Yamot na yamot kong bulong sa sarili ko habang nakaubob yung mukha ko sa desk ko.
"Talaga? Boring? Anong boring sa klase?" may biglang nagtanong saken.
Without even looking who just talked I answered, "Lahat. Lalo na yung teacher."
Pagkasabi ko nun, bigla kong narinig na nagtawanan ang mga kaklase ko. Nagtaka ako at inangat ko ulo ko, pagkatingala ko, tumambad sa akin yung mukha ng teacher namin.
"Shit." bulong ko.
"Boring pala ha Miss Paredes?! You can go out! Out! Out of my class! Noooooow!"
Habang sinisigawan ako at pinapalabas ng boring at terror na teacher namin, dahan-dahan ko namang inaayos yung mga gamit ko at naglakad palabas.
"Ikaw kasi! Pasaway!" bulong sakin ni Keiran nung nadaanan ko siya sa chair niya.
Binelatan ko lang siya at dumeretsio sa soccer field. Umupo ako sa may bench at pinanuod yung mga naglalaro.
Shinake ko yung ulo ko. Eh, kasi naman eh. Late na nga ako nakatulog boring pa yung klase.
"Haaay" I sighed.
Laking gulat ko na lang nang may papalapit na soccer ball sakin. Bago pa man ako makaiwas, tumama na ito sa noo ko.
And it hurts like hell!
Red Yossef's POV
"Red! Wake up!"
"Argh. Give me five minutes ate!"
"Aaaah! Bumangon ka na jan! Bata ka!"
"Five minutes.." sagot ko habang nakasalukbong yung kumot sakin.
"Hmm. Ayaw mo bumangon ah," narinig kong sabi ni ate pagkatapos nun di ko na siya narinig pang nagsalita.
"Ah!" Nagulat nalang ako ng bumagsak ako sa kama.
"Lumalaki kang matigas ulo Red ah! Gusto mo pa yatang mabugbog bago bumangon?!"
Napatayo nalang ako nang narinig ko yung magic word, mabugbog. Seriously, my sister is an amazon. Pag sinabi niya, gagawin niya.
"Good. Now maligo ka na!"
"Aye, aye captain!"
That's my eldest sister, Scarlet. Weird names huh? Masyadong nahumaling sa makulay na buhay parents namin kaya naman pati pangalan namin pinagtripan.
BINABASA MO ANG
The Penalty Kick
AcakBeing weak was not in Ionnah's list. That's what she thought before a storm came to mess up the game she's having. She grew tired and stopped chasing the ball she thought was hers to deserve and started looking for a new path she thought that will f...