Part 1

1.5K 18 7
                                    


SOMEONE'S P.O.V.

Graduation day na. Hindi man ito ang inaasahan kong katapusan ng section nila, natutuwa pa rin naman ako. Akala ko hindi na naman sila makakapasa ulit. Sa limang taon kong pagsubaybay sa buhay nila sa worst section, akala ko hanggang dito na lang talaga sila.


Pero ngayon...


Nakikita ko kung gaano sila ka-excited na makaakyat sa stage at nakangiti silang lahat. Nagpapasalamat ako na naabot nila ang goal nila nang pumasok sila sa Underground noon at halos lumuhod para magmakaawa sa akin na kapalit ng pagsisilbi sa Underground ay ang makapag-aral sila. Sino'ng mag-aakalang kaya naman pala talaga nila? Mga bata pa rin sila, at dapat silang tulungang hanapin yung landas nila.


"Rex, pakiayos nga din ng kwelyo ko ," ani Jazz.


"Roxanne, si Dianne ba nakita mo? ," tanong naman ni Ryan.


"Hindi pa pala dumating? ," tanong naman pabalik ni Roxanne sa kanya.


"Michael, hinahanap ka ni Ruiz ," sambit ni Jaime.


"Ikaw din, hinahanap ka ni Franco ," saad naman ni Michael kay Jaime.


"Rex, yung relo ko, nakita mo ba? ," tanong ni Lhor.


"Hindi, eh ," sagot ni Rex, "Si Jason, nasaan?"


"Natataranta pa rin si Jason, ano daw susuutin niya ," sagot ni Alexa.


"Sabihin mo, magbrief na lang siya ," sagot naman ni Sophia.


Nagtatawanan pa sila. Nakikita ko kung gaano sila kasaya sa graduation day nila.


"Hi, Rye ," sweet voice ni Dianne.


"Hi, Dee, dumating ka na pala ," sagot ni Ryan.


"Si Florian, nakita nyo ba? ," tanong ni Rex.


"Kasama ni Jason, naghahanap ng maisusuot ," sagot ni Jayvee.


"Sabihin mo wag na magdamit ," sambit ni Rex, dahilan para matawa ulit sila.


"Grabe ka naman, Rex, magkaibigan nga talaga kayo ni Sophia. Pero mukha bang kukunin ko si Flor sayo? ," ani Jason na nagpatawa ulit sa lahat.


"Tss, bullshit! Stop that! Naiinis akong marinig ang ganyang nickname ," inis na sambit ni Florian.


"Fine, fine. Si Rex naman ang nagbigay ng ganyang nickname sayo, eh."


"Shut up! Kumpleto na ba lahat? ," tanong ni Florian.


Thumbs up lang ang sagot ng lahat. He kissed Rex first before niya ayusin yung camera at sumama sa picture ng buong section nila.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon