Part 35

196 7 5
                                    

LHOR'S POV

Nasa likuran ako ng poste. Nang magbarilan dito kanina na sinimulan ni Phia, nagkagulo na kaming lahat at marami sa amin ang napuruhan.

Mabuti nalang at walang namatay.

"Pinapasok ako ni Lady Jhayd dito. Ano'ng magagawa ko? ," reklamo ni Anton kaya agad din akong napalingon.

"Paano ka papasukin ni Rex dito, eh, hawak nga siya ngayon ng hayop na yun! ," galit na tanong ni Phia kay Anton.

Naguluhan din ako kasi kasama nga ni Roxanne si Rex dito kanina pa.

"Imposibleng hindi si Rex yan. Nasa loob sila ng redline at si Rex lang ang hindi nakakaalis sa redline, unless nandoon si Phia."

"Kung si Lady Jhayd yan, s-sino yung kasama ni k-kuya Matt sa labas ngayon? ," nauutal na tanong ni Anton.

Napaisip akong bigla.

How did Rex ended up na kasama ni Master Matt when she's captured here at hindi makaalis sa redline?

"Dad, please.. ," nakakaawang boses na rinig ko kay Florian.

Natawa si Rex.

Noong una, mahina palang yung pagtawa niya pero habang tumatagal ay mas lalong umiingay ang boses niya sa buong bulwagan at halos siya nalang ang naririnig ng lahat.

At bigla siyang huminto.

"Napakahina, Florian. Nakakaawa ka ," natatawang sambit niya.

How can Anton say na hindi siya si Rex when she can talk like this?

And how can Rex speak like this to Florian?

"What? ," hindi makapaniwalang tanong ni Florian.

Kitang-kita ko din kung paanong magtaka ang Black Bears. Pansin kong natural na ang ganito sa Blood Demons dahil ni wala silang imik.

"Hindi mo ba naiintindihan? Gosh, pati ba naman salitang 'napakahina' at 'nakakaawa', hindi mo na rin maintindihan? ," natatawang tanong ulit ni Rex.

"Sinabi ko naman sa'yo, Florian. Parehong-pareho lang sila ni Irene. Ginagamit ka lang nila at hindi mo nakikita yon! ," sermon ni Master Wolfux kay Florian.

At muling natawa si Rex.

Isang nakakalokong tawa.

"Bakit, Wolfux? Diba, ginagamit mo lang din si Florian noon? ," saad niya.

"Tumahimik ka! ," sigaw ni Master Wolfux na tinakot pa si Rex ng maliit na baril niya.

"At bakit ako tatahimik? Ha! Ikaw ba, nakinig ka nung sabihin ni dad na tumigil ka? ," sunod-sunod niyang tanong.

"Si Rex yan. Sigurado ako ," sambit ni Sophia habang nakatingin kay Anton.

Rinig pa rin namin ang mga salita ni Rex kay Master Wolfux at Florian.

"Tumigil ka, Jhaydrex! ," sigaw na narinig namin kaya napalingon kaming lahat.

Muli naming itinutok ang mga baril namin sa kanila, because this time.. it was Florian who pointed his gun to Rex.

Tuwang-tuwa pa si Master Wolfux.

"Ikaw ang tumigil, Florian. Bitiwan mo 'yang baril mo." I was so shocked when I saw Astro pointing his gun to him.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon