JHAYDREX'S P.O.V.
Napagdesisyunan kong umalis saglit sa hotel at maglakad-lakad sa ilang eskinita dito sa Stratford kahit malamig ang gabi matapos niyang masabi ang bagay na yun. Until now, ni hindi ko pa rin maintindihan ang iniisip ni Florian.
Bakit ba kasi hindi niya maintindihan?
Pinipilit ko na nga lang na wag nang paniwalaan, eh!
At sa sobrang pag-iisip ko, umupo na lang ako sa isang bench at saglit na tumahimik. Naiinis pa rin kasi ako, honestly.
"Lady Jhayd ," boses na bigla ko na lang narinig mula sa likuran.
Lilingunin ko na sana ang tumawag sa pangalan ko nang maramdaman ko na lang ang biglang pagkahilo at agad kong naramdaman ang unti-unting pagkawala ng malay.
W-Who's... that?
-------------------
MASTER ZEKE'S P.O.V.
"A-Arrgghh!! ," inda ko sa sakit ng batok ko.
Saglit akong napatingin sa paligid at napagtanto kong nasa loob ako ng malawak na kulungan. Napansin ko din na may red line sa loob nito kaya bigla akong natawa.
"You know you can't keep me under the red lines ," agad kong sambit.
Kaharap ko ngayon hindi lang si Astro kundi pati si Wolfux.
At napangiti siya.
"Maybe the red line couldn't keep you, but your daughter can... ," sagot niya at agad na sumenyas.
Ilang saglit lang, natanaw ko si Rex na walang malay habang binubuhat siya ng dalawang lalaki papunta sa loob ng selda kung saan ako inilagay. At nang ilagay siya dito ay agad kong inalalayan ang aking anak.
"Surprised, Master Zeke? Yan na siguro ang huling regalo para sayo. Magsama muna kayo ni Jhayd sa loob ng kulungan na yan hanggang sa maging akin ang Underground Society and I'd grant you a painless death! ," nakangiting sabi sa akin ni Wolfux.
"Hayop ka talaga, Wolfux! ," tanging nasambit ko.
Nakatayo sa tabi niya si Astro na nakatingin lang sa amin at walang ni isang sinasambit.
"Bantayan mo muna sa ngayon ang mag-amang ito, Astro, lalo na si Jhayd. Alam mo naman ang kaya niyang gawin ," saad ni Master Wolfux at tinapik ang balikat ni Astro bago tuluyang umalis.
"Yan na ba ang napili mong kampihan, Astro? Ginagawa ka lang aso ng taong yun! ," pagbibitiw ko ng salita.
"More than you, Master Zeke! Aso lang din naman ako sa'yo, hindi ba? ," galit din nitong tugon.
BINABASA MO ANG
UNDERDOGS AND DEMONS
AksiPeople always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transferee, and of course, the infamous worst section full of repeaters, gangster-like, and ill-mannered stud...