Part 11

323 9 0
                                    


RUIZ'S P.O.V.

Hawak pa rin si Sophia ng isa sa mga lalaki dito sa Ail Twr. Pansin kong hinihintay lang din ng Black Bears ang Go Signal ni Rex na hindi ko alam kung bakit hindi pa niya ginagawa.


"How about this? Ibigay mo sa akin ang babaeng nakasuot ng puting dress na iyan at ibibigay ko ang girlfriend mo ," offer sa amin ng lalaking may hawak kay Sophia.


HAHAHAHA! HAHAHAHAHA!


Malakas na halakhak ang narinig namin mula kay Sophia at maging ang demonyong may hawak sa kanya ay nagtaka na rin. 


Why the hell is she laughing?


"At bakit naman namin yan ibibigay sa'yo? ," natatawang tanong ni Sophia.


"Oo nga naman. Hindi mo ba alam na ang babaeng yan ay nagkakahalaga ng humigit pa sa five hundred million dollars nang mabili namin yan sa Underground Society? Wag ka ngang magpatawa! ," react din ni Lhor.


"Paano nyo naman nalaman ang tungkol sa Underground? ," tanong ng lalaki.


"Don't you fuckin' know na kami ang Black Bears? ," seryosong tanong ni Florian.


But that bastard and his friends laughed at us as if they don't believe.


"What's so funny, asshole? ," tanong ko.


"Siguro, kayo ang dapat na wag magpatawa. Alam ko namang masyadong laganap ang pangalan ng Black Bears dahil yun ang pinakamalakas na grupo sa Underground, pero hindi ba kayo natatakot na gamitin ang pangalan nila? Masyado kayong mahina... ," natatawa niyang panlalait sa amin.


Naiinis na talaga ako.


Hintayin mo lang na sumenyas si Rex at uupakan talaga kita!


"Ano na? Ibibigay nyo ba sa akin ang babaeng yan kapalit ang babaeng ito? ," tanong niya. Hinawakan niya sa buhok si Sophia at tinutukan ng patalim sa leeg, "O baka naman gusto muna ninyo na may dumanak na dugo."


"Fine ," sagot ni Sophia.


Mukhang gagalaw na si Rex.


Alam namin na hindi na siya makapagpigil lalo na't si Sophia pa ang hawak ng lalaking ito.


"Lumapit ka dito, Rex."


Tumango lang si Rex at unti-unting lumapit sa kanila. "Alam nyo, madali naman akong kausap. Isa pa, kapatid ko ang nagmamay-ari ng mansyon kaya naman kapag wala siya dito, ako ang---"


Hindi na niya naituloy pa ang mga nais niyang sabihin nang mabalik siya sa katotohanan mula sa pinapantasya niyang posisyon. I silently laughed nang makita ko ang ekspresyon ng mukha niya nang agad siyang bumagsak sa sahig.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon