Part 33

195 6 6
                                    

ANTON'S POV

Nandito na kami.

Kanina pa.

Hindi na siguro makatiis itong si Franco kaya naman pinasabog na kaagad itong base ni Master Wolfux.

"Nababaliw ka na ba talaga, Franco?! ," reklamo agad ng iba pa.

"What? Maghihintay pa ba tayo ng senyas ni Florian? ," usal ni Franco.

"Simulan na natin 'to ," sabi kaagad ni Sophia.

Goddamn it! Kung hindi taken ang babaeng 'to, aangkinin ko na sana!

"Mag-iingat ka sa loob ," paalala pa ng boyfriend niyang si Michael.

Pre, layo ka nga saglit, ako muna sa girlfriend mo. Masyado kang gwapo, eh!

"Kuya, papasok ba tayo? ," tanong ko kay kuya Matt.

"Hindi ," sagot agad niya habang nakatingala sa madilim na langit.

Gabi na pero parang hindi na naman ako aantukin nito.

At ano'ng meron sa taas?

Tumingala din ako sa langit para aninagin kung anuman ang tinatanaw niya.

Pero hindi ko yun makuha.

Ano'ng meron dito?

"Master Matt, may hudyat na ba? ," tanong ni Dianne.

Isa ring hot ang babaeng ito. Kaso, kung titigan ko pa ng matagal ay baka kainin ako ng buo nitong si Ryan.

"Dee, papasok ako sa loob. Hahanapin ko si Roxanne ," paalam naman ni Jazz na hindi na naghintay pa ng sagot at agad na pumasok sa parte ng base na pinasabog ni Franco kanina.

Doon pa talaga sa maraming madadaanan!

"Simulan na natin, Jayvee ," si Florian naman yun.

"Hahanapin ko si kuya. Marami akong dapat itanong ," saad naman ni Ruiz.

Desidido na siyang pabayaan si Astro.

"Sinasabi ko na nga ba, eh, magka-kanya kanya lang kami pagdating dito ," agad na napakamot sa ulo si Jaime.

"Blood Demons, kayo na ang bahala sa iba ," bilin din naman ni Jayvee.

Konti nalang makakabisado ko na ang mga pangalan nila. Sa tagal ko ba naman doon sa hotel.

"Ail Twr, tulungan nyo ang Blood Demons ," agad na utos ni kuya.

Nang dahil sa ginawa nila, tatlo na lang kaming natitira dito.

T-Teka... Tatlo?

Ako, si kuya, si..

Kinikilabutan ako, gago!

Isang tao lang ang dahilan kaya ganito ang pakiramdam ko.

"Lady Jhayd."

Nang banggitin ni kuya ang pangalan niya, mas lalong tumindig ang balahibo sa katawan ko.

At lalo pa akong kinabahan nang tumikhim siya.

"Hindi ka ba papasok para hanapin ako? ," natatawang tanong ni Lady Jhayd.

"Paano ka nakalabas? Nasaan si Master Zeke? ," sunod-sunod na tanong ni kuya.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon