A/N: Sorry po, medyo napatagal ang update.
Here na Chapter Twelve.
---------------------------
ANTON'S P.O.V.
Kuya, hahayaan mo ba talagang siya ang magdesisyon?
Iyon ang tanong na nais kong iparating sa kanya... ngunit tila ayaw bumukas ng bibig ko at kung mangyari man, ni walang tinig na lumalabas.
I began drowning again, and now its deeper.
"Hindi mo na nga ako binigyan ng magandang welcome at hindi na nga maganda ang pagtrato ng isa sa mga garapata sa lugar na ito, tapos hindi mo pa ako pauupuin sa pinakamagandang upuan sa mansyon mo? How rude of you! ," she exclaimed.
Dahil sa reklamo niya ay agad na inutusan ni kuya ang isa sa mga maid na nagtatrabaho sa Ail Twr para kunin ang sinasabi niyang pinakamagandang upuan sa mansyon at patakbo namang kinuha ito ng maid.
"At bakit malapit sa pinto nakalagay ang Blood Jar ko? ," tanong niya pa.
"Gusto ko kasi na makita mo kaagad yan pagdating mo. Hindi ko naman po inaasahan na ganito ang mangyayari."
Nagulat na lang din ako nang ilabas ng maid ang isang red velvet curved sofa na tanging si kuya lang ang pwedeng umupo. Ganito ba talaga ang ugali niya? Naniniwala naman ako kay kuya na siya ang Underground Empress pero ganito ba talaga siya umarte? Nakukuha niya ang lahat?
"I am really sorry about this, Lady Jhayd."
Really, kuya?
"You're really sorry? ," she repeated.
And my brother nodded his head while looking at me with disappointment.
"Alam mo ba ang ginawa ng kapatid mo sa pinakaiingatan kong Black Bear? Tinutukan niya ng kutsilyo sa leeg si Sophia at hinila niya ang buhok. Now, if you're really sorry, gusto kong patayin mo sa harapan ko ang taong yan ," she seriously commanded.
I trembled in fear nang marinig ko ang sinabi niya.
"N-Nagbibiro lang naman siya, di ba, kuya? ," hindi makapaniwalang tanong ko.
But my brother didn't hesitate to point his gun at me.
"Kunwari ka pa, eh, wala naman talagang bala iyang baril mo, Matthew. Hahahaha! ," biglang usal ni Lady Jhayd na agad nagpa-confuse sa akin.
Pinaglalaruan ba nila ako?
Nilingon ko din ang Black Bears na nagtataka din pala sa nangyayari maliban sa babaeng Sophia pala ang pangalan. Mukhang ang babaeng ito talaga ang pinakaiingatan niya.
BINABASA MO ANG
UNDERDOGS AND DEMONS
ActionPeople always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transferee, and of course, the infamous worst section full of repeaters, gangster-like, and ill-mannered stud...