Part 28

248 7 1
                                    


MATTHEW'S P.O.V.

These people are the worst and they did turned this place into a total mess. Imagining this hotel fifteen years ago nang una akong magtrabaho bilang so-called babysitter ng Tower at ito ang masasabi kong pinakamaganda sa lahat ng pinagdalhan sa akin sa Underground.


At nang dahil lang sa issues ng grupo nila, this paradise turned into a nightmare sa isang kurap lang. Why did she choose to join them, by the way? Nang dumating yung Underdog si Jason Elumir, para bang naging wild animals ang mga kasama niya at agad siyang sinunggaban ng suntok. They didn't even ask him for a reason!


At narito kami ngayon sa isang silid kung saan mag-uusap-usap daw ang mga grupo namin, ayon kay Jason, though I noticed many things here.


Una. Wala dito ang leader ng Black Bears na si Florian Herrera na anak din ni Wolfux.


Pangalawa. Kasama namin ang Blood Demons na nagtatrabaho sa hotel para kay Lady Jhayd.


Pangatlo. Kasama ang grupo ko sa meeting na nagaganap ngayon at mukhang balak pa kaming idamay sa mga plano nila.


At ang huli, napansin ko din na matalim ang tingin ng lahat kay Jason.


Nang malaman ko ang nangyari noon sa Underground Society tungkol sa pagtatryador niya sa Black Bears at pag-surrender niya kay Jhayd sa grupo ni Cairo, alam ko na kung bakit ganito sila kung makatingin.


Trust.


A very dangerous virtue.


Once trust was broken, it will be hard to fix it.


"Saan ka nanggaling, Jason? ," tanong ni Sophia.


"Sa Cambridgeshire ," tipid nitong sagot.


"Nagawa mo pang maglagalag kahit may pinoproblema tayo dito? ," halos di makapaniwalang tanong ni Jazz.


"Hindi ako naglagalag. Pumunta ako doon dahil--- ,"


"Dahil saan, Jason? Dahil sa anong rason? ," tanong ni Ruiz.


"Tinawagan ako ni Sir Leonard."


"Are you fucking toying with us? Do you think this is a joke? ," naiinis na tanong ni Michael.


"No! Tinawagan niya talaga ako. And to tell you the truth, tinawagan niya din si Roxanne."


"S-Si Roxanne? ," sabay na bigkas nina Ruiz at Jazz na kaagad umagaw sa atensyon naming lahat.


Pareho nilang napansin na sabay silang nagsalita at iisa lang din ang sinabi nila. Saglit ko pa ding nakita ang sikretong pagtawa ni Sophia at Dianne na para bang may nalalamang kung ano dahil nagkatinginan pa sila.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon