Part 31

236 7 2
                                    


A/N: Ito po muna ang update sa ngayon. Wala pa kasi akong maisip na kasunod and sana magustuhan nyo yung part na ito, huhu! Update ako ulit pag may naisip na akong kasunod, guys! Love you!

----------


FLORIAN'S P.O.V.

Papunta na kami ngayon kung nasaan si Astro at ang bastardo kong ama.


Napakatahimik ng buong grupo maging ang Blood Demons at ang Ail Twr na kasama din namin. Hindi ko naman sila masisi. Alam kong sirang-sira na ang tiwala nila mula pa na'ng unang beses na madawit ang buong grupo sa nagaganap kay Rex. I should've known from the start. Sana hindi ako nagpadala sa emosyon ko at nagdesisyon ako ng tama. 


"Bakit ang tahimik nyo? ," tanong ni Anton.


Nakasakay kami ngayon sa isang Titanium Ford Fiesta na pagmamay-ari ng Ail Twr at si Anton mismo ang nagmamaneho ngayon. Sinisigurado daw niya na hindi kami magpapatayan habang papunta sa Cambridgeshire.


Ni hindi niya man lang naisip na kung magpapatayan nga kami, siya ang unang ililibing.


"Just drive ," walang ganang sagot ni Sophia.


"Phia, I'm sorry--- ,"


"Sorry for what, Florian? ," pagtataas niya ng boses, "Sorry kasi ikaw yung naglead samin ngayon? O sorry dahil pinili mong kampihan yung daddy mo kaysa makinig kay Rex? ," galit niyang tanong.


Dapat talaga hindi na ako nagsalita, eh.


Isa pa sa iniisip ko ngayon ay kung ano yng pinag-uusapan ni Lhor at Jason sa kabilang kotse matapos nilang humiwalay sa grupo. Mukhang may tinatago si Lhor sa amin. At galit pa rin si Sophia, to the point na ayaw niyang dumikit ang boyfriend niya sa kanya. Ayaw niyang magpapigil.


"Kung hindi mo kayang makinig kay Rex, sana sa amin ka naman makinig."


"Phia, please, tumigil ka na! ," saway naman ni Jayvee sa kanya.


"Shut up, Jay! Wag mo siyang kampihan! ," sambit niya pa.


"Hindi ko kinakampihan yan! ,"


"Phia, I know she's your friend, but please calm down. She's fine. Always remember na kaya niya ang sarili niya and we'll be there to save her ," mahinahong sabi naman ni Dee.


"Eh, paano naman natin maililigtas si Rex? Isa sa atin dito, eh, traydor ," si Ryan. Kahit kailan talaga, hindi siya marunong makiramdam, gusto pa yata palalain.


"Ryan, wag mo nang gatungan! ," saway ni Dianne sa kanya.


Bukod sa driver na si Anton, lima lang kami sa kotse na ito kaya naman bilang lang sa kamay ang makakapagpahinahon kay Sophia.


UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon