Part 25

233 6 1
                                    


ASTRO'S P.O.V.

Irene Schweiner is my half-sister and Ruiz is my half-brother. Nakakahiya mang aminin pero isang babaeng bayaran ang mama namin, at dahil doon, magkakaiba kami ng ama at ni isa sa kanila ay hindi nagsustento sa amin kaya naman si mama ang nagtatrabaho at ako ang nag-aalaga sa mga kapatid ko. 


Lumaki kami sa kalsada matapos mamatay ni mama at para maka-survive kami, nagawa kong magnakaw ng pagkain at pera mula sa mga tao. Alam kong mali, pero nagawa kong sanayin ang sarili ko para maka-survive kaming tatlo sa kalsada.


I did everything para lang mabuhay kaming tatlo and when Master Zeke offered this position to me in exchange of food, security and shelter, agad kong tinanggap ang pagiging Underdog at isinama ko si Ruiz. Pumatay ako, nag-imbestiga, namuno sa organization, hanggang sa maging pinakamalakas na Underdog ako sa lugar na ito.


But he tricked me... that god damn devil.


Gago siya.


Hayop siya.


Pinaikot niya lang ako sa mga kamay niya.


Matapos kong traydurin si Master Dominique para tulungan siyang maging pinuno ng Underground, siya pa pala ang pumatay sa kapatid ko at pinaniwala niya akong anak niya ang gumawa ng kasalanang yun. Siya pala ang demonyong dapat mawala sa lugar na ito at hindi si Master Zeke.


Aside that, hindi na ako dapat magpauto sa kanya. Ginawa ko lang naman na kampihan siya para mabuhay kaming magkakapatid, but because he killed my sister then its all over now. Hindi na ako makikipagtulungan sa kanya.


Pero ano ba talaga ang laman ng una at pangatlong voice records?


Hindi ko maiwasang hindi mapansin dahil maging ang bagay na yun ay gumugulo na rin sa isip ko. Hindi ko na ito kayang wag usisahin. Naisip kong hindi naman niya malalaman na binuksan ko yung dalawa, so why not?


I inhaled.


And exhale.


And I opened the first voice record na nakalagay doon pero kumunot ang noo ko at saglit na nairita.


Bakit walang tumutunog?


Hindi na ako makapaghintay and I already thought that there's nothing to hear from that recording. I stopped waiting and moved to the third recording. The last one.


"You know that this wouldn't make the Underground benefit, Wolfux! ," sigaw ng lalaki sa recording.


It was Master Zeke.


"Susubukan lang naman natin, Mr. Andrada, wala namang mawawala ," pamimilit niya.


"Ang alin? Yung makipag-alyansa sa grupong yun? Kung doon lang din naman, wag na lang! Matagal nang independent ang Underground Society. Malaki ang grupo natin worldwide, marami tayong tauhan, hindi natin sila kailangan."

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon