Part 7

386 7 1
                                    


A/N: OMG!! Natapos ko kaagad yung Chapter 07! Enjoy reading, everyone!

--------------------


RYAN'S P.O.V.

Well, masasabi kong malawak ang kwartong ito.

Kung susukatin siguro kalahati na ito ng malawak ko ding kusina, ang pinagkaiba nga lang ay mas maganda itong tingnan kaysa sa kusina ko. Pero bakit may red line sa kwarto na 'to?


Nevermind.


So inilapag ko na ang gamit ko. Maaga talaga akong naghanda at isang malaking maleta din ang dinala ko papunta dito sa London. Maaga din akong gumising para masundo ko pa si Dianne sa bahay niya dahil sure akong tulog pa siya.


Napapangiti talaga ako kapag naaalala ko. 


Tss.


Kumain naman na ako kanina, so, matutulog na lang ako.


---------------/()\---------------


JAZZ'S P.O.V. 

I sighed.

Mas nakakapagod pa yata na makinig sa away nina Florian at Lhor kanina doon sa plane kaysa itong wala  akong ginagawa sa malawak na kwartong ito. Paikot-ikot lang ako dito sa loob ng malawak na roon at pinupuri ang interior design nito. Pero mas nakakapukaw ng atensyon yung red line dito sa kwarto.


Di bale na nga. Kukuha na lang ako ng kape sa ground floor.


Binuksan ko yung pinto para sana pumunta sa elevator pababa pero pagbukas ko palang nito ay bumungad na sa akin ang isang babaeng staff na nakatayo sa labas. Nagpalinga-linga pa ako para tingnan kung may iba pang staff pero tanging room lang naming tatlo nina Jayvee at Jason ang meron.


"Ano.. uhm... ,"


Napakamot ako sa ulo ko.


Nasa London nga pala ako, hindi pala gagana ang tagalog dito.


"I would... ano, ah, eh... I would like-- ," nauutal kong panimula, "Would you like a coffee? I like coffee? ," tanong kong may pagtataka pa halos sa sarili ko.


Haysh! Ano nga ba ulit sa english yun?


Siya namang paglabas ni Jason sa kwarto at lumapit sa staff.


"Pakikuhaan mo nga ako ng wine. Isang Romani Conti."


Maiintindihan ba niya yun?


"Jason! ," tawag ko sa kanya.


"Hmm? ,"


"Bakit ka nagtagalog? Di ba nasa London tayo? ," tanong ko.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon