Part 23

238 8 0
                                    


SIR LEONARD'S P.O.V.

"A-Argh! ," usal ko.


Iniinda ko ang sakit ng likod ko mula nang may humampas sa akin kanina nang hinihintay ko pa sina Roxanne at Jason dito sa Cambridgeshire. Tandang-tanda ko pa nang patago akong pumunta sa London nung umalis sina Lady Jhayd sa Pilipinas four days ago at dito ako dinala ng mga paa ko.


Pero nasaan ako ngayon?


Matapos kong magpalinga-linga, napagtanto kong nasa loob na pala ako ng isang kulungan. Siguro nasa loob ako ng base ni Wolfux. Natatandaan ko pang hinihintay ko pa sina Roxanne at Jason na tanging kinontak ko dahil sa napakaraming dahilan.


At ang una ay syempre dahil ama ni Florian ang mastermind at ang kasabwat nito ay ang kapatid ni Ruiz.


"Gising ka na pala ," bungad sa akin ng isang boses kaya agad akong napalingon.


"R-Roxanne? ," nagtataka kong tanong nang makita kong nakaupo siya sa kabilang dingding ng selda at nakahandusay pa rin sa sahig ang walang malay na si Jason.


"Wag mo nang itanong kung bakit kami nandito, Sir Leonard, dahil si Astro mismo ang nagdala sa amin dito. He knew we'd be there."


"Si Astro din ang nakahuli sa inyo? Paano niya nalaman na pupunta kayo dito? ," nagtatakang tanong ko.


"Kaninong phone ang ginamit mo, Sir Leonard? ," matalim ang matang tiningnan niya ako bago tanungin ang tungkol doon.


"Isang phone lang naman ang ginagamit ko. Yun ay ang--- ,"


Natigilan ako nang ma-realize kong all this time I was using the phone linked to the system of Underground Society.


Nakabukod ang personal phones at ang phone na ginagamit sa organization. Ang phone na binibigay sa mga myembro ng Underground Society ay may microchip na ginagamit as GPS and recorder.


Kaya naman pala.


I think they manipulated the system para malaman kung nasaan ako.


Yun din ang phone na ginamit ni Rex to call the Black Bears nang malaman niyang hindi talaga kasabwat si Florian. So, they knew all along na pupunta kami sa London para mag-imbestiga.


"Naalala ko lang din ang tungkol sa bagay na yun nang makarating kami dito sa London at hindi namin alam na nandito ka din not until tawagan mo ako kanina ," patuloy niya pa.


Saglit kong tiningnan si Jason ngunit sa pagkakataong ito ay dilat na ang mga mata niya bagamat hindi siya tumayo mula sa pagkakahandusay sa sahig. He was also thinking the same thing.


Akala namin ay hindi nila alam ang nangyayari... pero mali kami.


UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon