Part 15

342 8 3
                                    


JAIME'S P.O.V.

Kasama kong kumakain ngayon sa kitchen si Lady Jhayd. Hindi naman kami halos nag-uusap, I guess dahil din siguro medyo nahihiya ako sa kanya. But I feel so happy just eating beside her, the Tower. Bigla ko namang naisipang mag-open ng topic kaya marahan akong humarap sa kanya at aktong magsasalita na sana.


"U-Uhm--- ," magsisimula na sana akong magsalita nang pumasok naman ang babaeng isa sa Blood Demons ng hotel at bumulong sa kanya kaya naman natigilan din ako at umurong na naman ang dila ko.


"She's here? ," paninigurado pa ni Lady Jhayd.


Tumango lang ang babae at agad na umalis.


Napakunot naman ang noo ko.


"Let's go, Jaime, nandito na si Alexa."


Si Alexa?


Oo nga pala, galing nga pala siya sa ama niya sa Japan. Agad din akong sumunod kay Lady Jhayd at nakita kong halos mag-teleport na lang si Alexa sa sobrang pagmamadali na makaharap si Lady Jhayd at agad na kumapit sa braso nito.


"Rex, may nalaman ako! ," natataranta niyang sambit.


"Kumalma ka muna, Alexa. Ano'ng nangyayari? ," Lady Jhayd asked.


"Kilala ko na ang mastermind na nasa likod ng mga kaganapan sa Underground ," agad niyang sagot.


Naghahabol man ng hininga ay nagawa niya pa ring sambitin ang bagay na iyon. At dahil kasalukuyang tatlo lang kami na nasa paligid nang oras na ito, ako lang din ang nakakarinig sa usapan nila.


Ang mastermind... sino siya?


"Sigurado ka ba? Paano mo naman nalaman? ," paninigurado pang tanong ni Lady Jhayd.


"Sinabi sa akin ni dad na nakita niya kung paanong mamatay ang dalawa pang haligi noon sa Underground. Nakita ni dad kung sino'ng pumatay sa kanila! ," natataranta niya pa ring banggit.


"Kung ganun, sinabi niya ba sayo kung sino ang taong yun? ," agad na usisa ni Lady Jhayd na tinanguan kaagad ni Alexa.


"K-Kilala ko na siya, Rex, kilala ko na! Pero ayokong malaman mo kung sino siya ," halos maluha-luhang sambit niya na lalong nagpakaba sa akin.


"Tell us. We need to know ," pagpupumilit ko sa kanya.


Alam kong desperado na rin akong malaman kung sino ang taong iyon.


"R-Rex, siya si---- ,"


Nanlumo ako nang marinig ko ang pangalang iyon.


UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon