Part 27

282 9 3
                                    


LHOR'S P.O.V.


Pinili kong lumayo muna saglit sa gulong nangyayari sa ibaba at umakyat dito sa kwarto ko para mapag-isa. This room was truly big enough for just one person. And silence in this huge room rings in my ears. Nakakabaliw yung katahimikan dito pero mas nakakabaliw yung ingay sa ibaba.


It was a hard decision for me. Gusto kong tulungan si Florian at suportahan siya sa mga desisyon niya but there's a part of me that says sacrificing everyone to fulfill his selfish demand is a mistake.


Nagsisimula na namang magkanya-kanya ang buong grupo. Nagkakanya-kanyang desisyon at panig na rin kami. At ako... kanino ako papanig?


"Buksan mo na ang pinto, Lhor, I know you're here ," rinig kong saad ni Michael habang nasa labas siya ng pinto.


Sinadya kong mapag-isa dahil ayokong makita nila ang weak side ko, pero mukhang napansin kaagad ni Michael na wala ako sa paligid nila.


I knew he would come here in my room kapag napansin niyang wala ako doon dahil alam niyang gawain kong magkulong sa kwarto kapag magulo ang isip ko. Kahit bago pa man ako mapasama sa grupo ni Florian, ugali ko nang mapag-isa.


"What do you need? ," I calmly asked when he knocked on the door for the third time.


Nananatiling kalmado habang nakaupo sa malambot na kutson sa kwartong pinili ko.


Wala akong narinig na sagot kaya ang tanging nagawa ko lang ay pagbuksan siya. Walang salita ngunit mabilis siyang pumasok sa silid, pero bago pa siya umupo sa maliit na sofa ng kwartong ito, binigkas niya ang salitang, "Let's talk."


Alam ko na kung bakit siya nandito.


"Hindi ako against sa desisyon niya."


"Hindi pa ako nagtatanong, Lhorence."


I sighed.


Wala akong magawa.


"Hindi pa ako nagdedesisyon, Mike."


Nakayuko na lamang ako habang tahimik na pinapakiramdaman kung ano man ang gustong iparating ni Michael pero wala akong naririnig na salita. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko kung--


"Suportahan natin siya, Lhor ," sambit niya.


Napatayo kaagad ako at mabilis na napalingon sa kanya. This time he was focusing his eyes up at the ceiling. Hindi niya gustong tingnan ako nang sabihin niya ang bagay na yun.


"W-What? ,"


"Kung hindi ka makapagdesisyon, then, ako ang magdedesisyon para sa'yo, Lhor."

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon