Part 17

273 5 0
                                    


A/N: Sorry po if medyo natatagalan minsan sa pag-update. Love you, guys.

-----------------------------

FLORIAN'S P.O.V.

Sinalubong ako ni Jaime sa paglabas ko ng Music Room. Magkahalong lungkot, pag-aalala at iba pang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya nang sabihan niya akong sumunod sa kanya palabas ng hotel at saglit na tumambay sa garden.


Malamig na ngayong gabi pero mukhang mas nanlalamig pa yata ang mga titig ni Jaime kaysa dito. Agad ko siyang sinundan at nang huminto siya ay huminto din ako sa distansyang hindi nalalayo sa kanya.


"Bakit mo ako pinapunta dito, Jaime? ," maotoridad kong tanong sa kanya.


"Dumating na si Alexa ," he answered.


"Oh? Where is she? Nagkita na ba sila ni Rex? ," I confidently asked again.


"Yeah."


Napakunot ang noo ko.


"Bakit ba ang tipid mo kung sumagot? ," inis kong sambit na lalong nagpatalim sa tingin ng mga mata niya.


"Alam mo ba kung bakit kita tinawag dito, Spade? ," irita niyang tanong, "Kilala na ni Alexa kung sino ang mastermind at alam na rin ni Rex kung sino."


"So, ano pa'ng hinihintay natin dito? Tara na! ," agad kong sabi sa kanya matapos marinig iyon ngunit walang isa man sa aming dalawa ang kumilos kaya naman mas lalo kong naramdaman na may something weird between us.


"You're not gonna ask who's the mastermind? ," seryoso niyang tanong sa akin.


Dahil sa seryoso niyang tanong ay seryoso ko din siyang hinarap kahit naguguluhan pa ang isipan ko sa nangyayari. Sadya ba talagang ako lang sa lugar na ito ang walang alam sa kaganapan?


"At sino naman ang hayop na yun? ," seryoso ko nang tanong sa kanya.


"Hayop? Kaya mo nga ba siyang tawaging hayop, Florian? ," natatawa niyang tanong sa sarili kahit ako ang tinutukoy niya.


Kumunot ang noo ko at nag-uumpisa nang mainis sa paikot-ikot niyang kwento.


"What do you wanna fucking tell me, Jaime! Just get to the point! ," halos pasigaw ko nang tanong sa kanya sa sobrang inis ko.


"Are you really prepared to know who he is? ,"


"I am prepared. Bakit mo naman iisiping--- ,"


"Because it was your dad, Florian! The mastermind... he's your father! ," pasigaw niyang sagot kahit hindi pa natatapos ang pagtatanong ko.


"A-Ano? ," paninigurado ko pa.


"Sinabi ni Alexa sa amin na si Master Wolfux ang pumatay sa dalawa pang haligi sa Underground at nakita mismo ni Master Shindo ang nangyari! ," tuloy-tuloy niyang sambit na lalong nagpatahimik sa akin.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon