RUIZ'S POV
Kanina pa ako naglilibot sa buong area.
Honestly, to be exact, hindi ko pa naman nalilibot itong buong base. Pero kung iisipin, siguradong itatali nila si Roxanne at Rex dito banda sa may entrance.
Maliban nalang kung hindi si Master Wolfux ang mag-uutos sa mga---
Found you!
Nagtago ako nang makita ko ang dalawang bantay dito. Nakatali si Roxanne at Rex sa isang poste habang nasa kabila naman si Sir Leonard at yung isa pang lalaki.
Sino yun?
Ah, nevermind!
Dahan-dahan ko silang nilapitan. Isang baril lang ang dala ko at nagkataon pang wala nang bala dahil ginamit ko na nang papunta ako dito.
Nakalapit ako hanggang sa pinakamalapit na pwesto ni Roxanne.
"Pst! Pst! ," tawag ko sa kanya.
Inilibot niya ang paningin pero hindi niya yata ako nakita.
"Sino na naman itong putanginang ayaw tumigil kakatawag satin? ," naiinis na tanong niya.
Naiinis na naman siya. Medyo mainitin ang ulo niya. Minsan nga yun pa ang dahilan kaya gusto ko--- joke, hindi pala!
"May sinasabi ka ba, babae?! ," tanong nung isang bantay dito na lumapit naman kaagad.
Nice timing, mas mabilis ko siyang maaabot.
"Wala, kuya, sabi ko tangina mo! ," pang iinis ni Roxanne sa kanya kaya agad din akong natawa.
Pero agad napalitan ng pagdidilim ng paningin ko yung tawang yun nang sampalin niya si Roxanne.
Gago 'to ah!
"Niloloko mo ba ako, babae? ," naiinis nitong tanong sa kanya.
"Naloko ba kita? ," pamimilosopo ni Rox.
At isa pa ulit na sampal ang ginawa nito.
Sino namang hindi maiinis?!
Sa sobrang galit ko, hindi ko na napigilang sugurin sila at labanan nang mano-mano.
Bahala na!
Buti nalang mahihina yung naiwan. Haysh, tangina!
Nang mapabagsak ko ang dalawang 'to, agad kong nilapitan si Roxanne at sinimulang tanggalin sa pagkakatali.
"At talagang hinintay mo pang masampal ako ng dalawang beses bago ka lumabas sa pinagtataguan mo? ," naiirita niyang sabi.
Napaangat ako ng tingin at agad nagtama ang mga mata namin. Bumabagal ang bawat oras. Siya lang at ako. At bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Ano? Sasagot ka ba? ," tanong niya na nagbalik sakin sa katinuan.
"A-Ano kasi.. hindi ko naman alam na alam mo palang nandito ako ," at agad akong napakamot sa ulo ko.
"Tulungan natin sila."
Napako pa ako saglit sa kinalalagyan ko. Jusko, yung puso ko!
Damn this girl. Bakit ang lakas ng tama niya sakin?!
Para hindi niya mapansin ang pagkabigla ko, agad din akong tumayo para tulungan si---
A-Ate?
Si Rex ba talaga 'to?
Sa akin nakatuon ang buo niyang atensyon at ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Hindi ganito ang mga mata ni Rex.
Ate Irene?
BINABASA MO ANG
UNDERDOGS AND DEMONS
ActionPeople always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transferee, and of course, the infamous worst section full of repeaters, gangster-like, and ill-mannered stud...