Part 29

248 9 3
                                    


SIR LEONARD'S P.O.V.

Ilang minuto na rin akong nandito kasama si Roxanne.


"Nakita mo na ba sila? ," pabulong na tanong niya sakin.


Right.


Mula nung magdesisyon kaming pabalikin si Jason sa hotel, sinimulan na rin naming halughugin ang lahat ng kwarto dito para mataguan namin kahit isa man kina Rex o Master Zeke. But this place is so goddamn huge!


Ilang kwarto na ang binubuksan namin at hindi ko na rin alam kung ilang tao pa ang kaya naming patumbahin nang kaming dalawa lang. At ang kwartong pinasok pa namin ngayon ay walang anumang laman kundi iilang gamit. But one thing's for sure, isa sa mga kwartong ito ang kinalalagyan ni Rex at Master Zeke at dapat naming mahanap yun.


"Hindi pa ," sagot ko naman sa kanya.


"Hanapin natin yung may red lines. For sure they're keeping her there."


Tama.


Ang redline.


Ang nag-iisang bagay na pumipigil sa kanya.


Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit, but I noticed something about it a log time ago at hindi ko pa rin maisip kung ano ang bagay na yun.


"Seryoso ba talaga si Astro? Gusto talaga niyang hayaan natin sila sa kwartong yun? ," rinig kong sabi ng isa sa mga nagbabantay sa huling kwarto.


Agad kong sinenyasan si Roxanne nang maalarma ako dahil malapit lang din sila sa amin. Hindi lang nila kam kaagad nakita dahil nag-uusap sila habang naglalakad palabas.


"Baguhan ka nga pala kaya hindi mo pa alam pero wag kang mag-alala. Hindi naman makakalabas si Lady Jhayd sa kwartong yun dahil may redline na pipigil sa kanya. As we all know, isa lang ang weakness niya... at yun ay anything colored with red."


"Her weakness is something colored with red? Is that something like trauma from the past or anything? ," usisa pa ng lalaki.


"Sort of. Yun lang ang alam ko."


"Hindi pa ba tayo pupunta doon, Sir Leonard? ," bulong ni Roxanne habang alerto pa rin kaming nagtatago mula dito.


"Hintayin muna natin silang makaalis."


"Where's Astro? Kanina pa siya hinahanap ni Master Wolfux, ah! ," sambit pa ng lalaking kasama niya habang tinatanaw ang paligid bago sila umalis.


Mabuti na lang talaga at bakante ang kwartong ito. Ni hindi man lang nila naisip na nandito kami. To think na sobrang lapit pa sa kung nasaan yung kwartong pinanggalingan nila.


"Let's go ," mahinang sabi ni Rox.


UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon