Part 8

331 10 0
                                    


RUIZ'S P.O.V.

*CRINNGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Naalimpungatan ako matapos makarinig ng malakas na tunog na nagpabangon sa akin mula sa malambot na kama dito sa hotel. 


Ahh... nakatulog pala ako kaagad kagabi?


Bumangon ako kaagad at tumingala sa dingding para hanapin ang direksyon kung saan ko makikita ang malaking orasan sa kwartong ito pero agad na nanlaki ang mga mata ko.


3 AM ? 


Naglolokohan ba kami ng orasan sa hotel na 'to?


Muling tumunog ang alarm, but this time, nagawa ko nang takpan ang dalawa kong tenga dahil sa nakakabingi nitong tunog. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit ganito kalakas ang alarm nila. At dahil sa alarm na yun, patakbo ko ring tinahak ang malawak na hallway ng fourth floor papunta sa elevator at kaagad kong pinindot yung button.


Saktong pagbukas ng elevator ang siya namang pagbungad ni Jason na pababa na rin pala nang oras na yun pero hindi ko nakikitang tinatakpan ang tenga niya. Nagtataka man ay agad akong pumasok at sinarado naman niya agad ang pinto ng elevator. 


I felt curious.


"Hindi ka ba naiingayan sa alarm? ," tanong ko sa kanya.


"Alarm? You mean, yung malakas na ingay kanina? ," tanong naman ni Jason pabalik sa akin.


"Yun nga! Nagising ako sa sobrang lakas ng alarm na yun."


"Kaya naman pala naka-pajamas ka pa ," natatawa niyang sagot sa akin.


Matalim na tingin lang ang ibinigay ko sa kanya bago tuluyang alisin ang mga kamay ko na nakatakip sa dalawa kong tenga. For a second now, naging kumportable na ako nang hindi na muling tumunog ang alarm. Pansin ko nga din na hindi siya nakadamit na pantulog pero hinayaan ko na lang.


Saglit pang nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil inaantok pa din ako nang ganitong oras at gusto ko pang matulog. Isa pa, I am also thinking why there's not a single staff sa labas ng room ko nang lumabas ako kanina samantalang may nakita akong isa kagabi.


"I really can't believe na nagising ka dahil sa alarm ," natatawa niyang sambit.


"What's so fucking funny, bro? ," irita kong tanong.


"That is not an alarm... ," sagot niya.


"What the fuck are you saying? Sa lakas ng tunog na yun, hindi pa yun alarm? ," pagtataka ko.


"No, I mean--yeah, that's an alarm, but not an alarm to wake you up ," paglilinaw niya.


UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon