Part 2

644 13 0
                                    


REX'S P.O.V.

"Rex, are you okay? ," tanong ni Florian.


Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.


"Kanina ka pa kasi tulala, Lady Jhayd ," sambit naman ni Franco.


"Umupo ka muna kaya ," pag-aalok ni Dianne.


"Pagod ka ba, Rex? ," tanong naman ni Sophia.


Agad akong natigilan at naalala ko kung nasaan nga pala ako. Kasalukuyan kaming nagpa-party ngayon sa Underground Society matapos ang graduation. Lahat ng tao na nagsisilbi sa Underground ay binigyan ko din ng bonus kahit busy ang buong Underground. Malago na ulit ang mga pasugalan at bentahan ng baril ng lugar na ito mula nang mabawi ko ito kay Ninong.


!! PHONE RINGS !!


May tumatawag... Unknown number.


Agad na kumunot ang noo ko. Who's this?



FRANCO'S P.O.V.

Nasa iisang table lang ang mga Black Bears habang nasa paligid naman namin ang iba pang mga myembro ng Underground. Nagtatawanan pa kami nang biglang tumunog ang phone ni Rex kaya natigilan kami at napalingon sa kanya. Napakunot pa nga ang noo niya nang tingnan niya yun.


May tumatawag...


"Hello? ," bungad ni Rex.


Nanahimik kami.


"What the hell are you saying? Who are you? ," seryoso niyang tanong sa kausap.


Hindi namin yun marinig kaya nagtataka na kami sa kung anuman ang napag-uusapan nila. Saglit pang kumuha ng maiinom si Sophia kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko at nang lumingon ako, nakita ko ulit ang anyo ni Rex sa tuwing galit siya.


"I don't believe you. Kung gusto mong paniwalaan kita, magsend ka ng proof ," sambit ni Rex na agad namang ibinaba ang tawag.


"Who's that? ," tanong ni Jason.


"He didn't tell me his name, eh ," she answered.


"He? ," paglilinaw pa ni Ruiz.


"Lalaki yung boses, so I think its a guy ," sagot niya ulit.


"At hindi mo din kilala yung sender? ," tanong pa ni Jaime.


Umiling si Rex.


*!! BLINK !!*

Tunog yun ng phone ni Rex.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon