JAYVEE'S P.O.V.
Alam ko ang nararamdaman ngayon ni Phia. Hindi ko rin lubos maisip na gusto pa rin sumama ni Florian kahit ayaw na ng iilan sa amin.
At ngayon, siya na naman ang mamumuno sa grupo.
Kasalukuyan na kaming nag-iimpake ng mga armas na gagamitin at ang ilan sa Blood Demons ay sasama din sa amin papunta sa Cambridgeshire. Alam kong sasama din ang Ail Twr dahil wala din naman silang magagawa kahit na ayaw din nilang isama si Florian.
All of us are ready.
Pero hindi ko makita sa paligid si Phia.
Sigh.
Mukhang magiging mahirap para sa amin ang kumbinsihin pa siya and seeing Florian as he is right now, mukhang wala kaming magagawa sa bagay na ito. Inisip ko pang mabuti kung ano pa ang pwede kong dalhin na mas importante pa kaysa sa gulo namin dito.
Guns. All ready.
Daggers. Ready.
Ropes. Nandito na rin.
Sakto na siguro itong mga dala ko. Baka hindi ko na rin mabuhat kung dadamihan ko pa dahil mabigat na rin naman lahat ng malalaking baril na dala ko. Nilingon ko p a ang iba kong mga kasama na nandito sa lobby para malaman ang kailangan nila.
"Dee, do you still need to bring this? ," tanong ni Ryan sa kanya.
He's holding some bombs na sakto lang para pasabugin ang isang pader.
"Yeah. Pakilagay na lang din muna nyan sa bag mo. Hindi na kakasya yan dito sa dala ko dahil marami akong dalang bala."
"Jaime, you're good at distance-shooting, diba? ," tanong ni Ruiz kay Jaime na naglalagay naman ng gamit niya.
"Oo naman. Bakit? ," tugon niya.
Nagulantang pa siya nang iabot sa kanya ni Ruiz ang isang sniper rifle. Sa isang tingin lang, malalaman kaagad ni Jaime na isang NATO.308 Winchester ang bagay na hawak niya. Isa sa mga sniper rifles na ginawa sa United Kingdom during Year 1982.
To think na may mahahanap siyang ganyan sa lugar na ito which is also rare for me. Isa pa, lumang uri na ng sniper rifle ang hawak niya.
"Gumagana pa ba yan? ," tanong kaagad ni Jaime matapos abutin ang binibigay ni Ruiz sa kanya.
"Gumagana pa rin ang isang yan kahit matagal nang nakatago dito sa hotel ," sagot naman ng isa sa mga Blood Demons, "Ginagamit din namin paminsan ang mga baril dito sa tuwing may pinapagawa ang Underground."
"Ohh... ," tanging nasambit ni Jaime sa babae.
BINABASA MO ANG
UNDERDOGS AND DEMONS
ActionPeople always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transferee, and of course, the infamous worst section full of repeaters, gangster-like, and ill-mannered stud...