Part 6

422 8 6
                                    


JASON'S P.O.V.

Nasa likuran lang ako ng seats nina Lhor at Florian.


Kelan pa ba nagkasundo na magtabi ang dalawang 'to? Kahit sa room noon, hindi naman sila nagtatabi.


"What do you mean? ," tanong ni Florian.


"Bitiwan mo na si Rex. Alam nating hindi mo naman talaga siya kayang protektahan ," salitang narinig ko mula kay Lhor.


Hindi pa rin pala nagtatapos ang digmaan nilang dalawa? Akala ko ba may nanalo na? Wait! Naalala ko nga pala na hindi pa couple sina Rex at Florian kaya may pag-asa pa naman talaga si Lhor.


"Hindi ko naman nakikita na gusto mo siya. Mukha lang namang kayo, pero hindi naman namin ramdam yung relasyon nyo."


Agad na napatayo si Florian at hinawakan ang kwelyo ng damit ni Lhor kaya napatayo din kami para awatin sila kung sakaling magkagulo. Nanginginig sa galit si Florian at handa nang idampi sa mukha ni Lhor ang kamao nitong kanina pa nagtitimpi. 


"Itigil nyo na nga yan ," utos ni Roxanne.


"Wag kang makikialam dito, Rox ," maangas na utos din ni Florian sa kanya.


"Kung ako lang naman, wala akong pakialam sa inyo. Pero andito si Rex, isipin nyo naman din siya. Hindi nyo ba nakikitang tulog siya? ," maotoridad na sambit ni Rox.


"Tama na, Florian ," dagdag pa ni Dianne.


Padabog na binitawan ni Florian si Lhor at kaagad na umupo. Agad ding inayos ni Lhor ang kwelyo niya pero sa halip na umupo ay agad siyang lumapit sa pwesto ni Rex na nasa bandang unahan ng plane. 


Kitang-kita namin kung paanong ayusin ni Lhor ang magulo niyang buhok at alalayan ang ulo niyang nakasandal sa upuan. Kung titimbangin nga naman, mas gugustuhin kong si Lhor ang katabi ni Rex kaysa kay Florian.


Padabog na tumayo si Florian mula sa inuupuan nito at agad na kinuwelyuhan si Lhor kaya napatayo siya. Matalim ang tingin ni Lhor sa kanya at ganun din si Florian, pero kamao nito ang sinalo ni Lhor na nagpabagsak sa kanya sa sahig. 


"Take your fuckin' dirty hands off her! ," sigaw ni Florian na umagaw sa atensyon naming lahat.


I looked at Rex and saw her sleeping.


Paano niya nagagawang matulog habang may nag-aaway?


"You don't have the right to say that, Florian. Remember na hindi siya sa'yo! ," sigaw ni Lhor pabalik sa kanya.


"Stop being delusional, Florian, tama si Lhor ," dagdag pa ni Jayvee na lalong nagpainit ng ulo niya.


"Shut up your fuckin' mouth, dude! ," baling niya kay Jayvee.


UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon