Part 37

254 8 3
                                    

AUTHOR'S POV

The past..

Gaano nga ba yun kahalaga?

Matapos ang gulong ginawa ni Master Wolfux na winakasan ng sarili niyang anak, alam ni Master Zeke na dapat niya ring ipaliwanag ang side niya.

And he knew it will never be easy.

Kung paanong nagkaroon ng trauma si Rex sa kulay pula. How it all started on the day his wife died and the only person na naabutan niyang kasama nito ay tanging si Jhaydrex.

---------

June 17, 10:47pm.

---------

"Master! Help! ," malakas na sigaw ng isang katulong.

She's crying while holding the arms of a dying person. Nakahandusay ang katawan nito sa isang malawak na sahig ng mansyon habang pilit na naghahabol ng hininga.

"I'm here, what happened? ," nag-aalala namang tanong ng lalaki habang kasama nito ang isa sa mga bodyguard.

And there, he saw his daughter named Jhayd. Nakaupo ito sa sahig sa hi di kalayuan mula sa kanyang ina.

She's staring to nowhere.

At kutsilyo ang hawak niya.

"D-Dad, bakit puro dugo? ," umiiyak na tanong ng anak niya nang matauhan ito.

Sa pagkagulat, hindi nakapagsalita si Master Zeke.

Wala na ding anumang sinasambit si Jhayd kundi ang dugo sa sahig na natagpuan niya lang pala nang pababa siya mula sa ikalawang palapag ng mansyon.

At ang kutsilyo ay napulot lang pala ng bata mula sa sahig.

Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Sa murang edad, she already understood that her mother was about to die that night.

"Jhayd, calm down ," pagpapatahan ng kakambal nito habang nanginginig ang parehong mga kamay.

Hindi alam kung ano ang gagawin, ang naisip na lang niya nang oras na iyon ay ilayo si Jhayd mula sa pangyayari.

"P-Please.. Zeke, w-wag mong.. h-hayaang makuha nila.. s-si.. Jhayd ," nanghihinang sambit ng babae.

"Samantha, sinong gumawa nito? ," tanong ni Master Zeke.

"A-Ang---,"

At ilang saglit pa..

Wala nang buhay ang kanilang ina..

Napakabilis ng pangyayaring yun. Para bang naglaho ang lahat.

"D-Dad... Dad! ," biglang tawag ng kambal sa ama niya at agad naman itong napalingon.

Natauhan siyang muli.

Patakbo niya itong nilapitan.

"Hindi gumagalaw si Jhayd, daddy! ," saad ng bata.

"A-Ano? Halika, Irene, tawagin mo si Leonard ," utos kaagad ng ama.

Natataranta man ay hindi nagpaapekto ang ama. He quickly carried his daughter, Jhayd.

"Leonard, ikaw na ang bahala kay Sam ," agad niyang utos sa lalaking ngayon pa lamang dumating sa eksena.

Samantha Andrada.

Jhaydrex's mother who died when her age turned five that year.

Wala nang malay ang batang babae nang makarating sila sa ospital, and all that old man can do is to wait for her to recover. It caused her trauma.

UNDERDOGS AND DEMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon