II.
Salamin
"kuya pakilipat na lang po yan dito" turo at sabi ko dun sa lalaking kanina pa nagbubuhat ng gamit ko paakyat.
"kuya Ok lang po ba kung aalisin namin to?" turo nung isang lalaki sa lumang salamin sa CR.
"para saan?"
"para po dito" Ipinakita niya yung salamin ko dati sa bahay.
"oo nga nuh? teka" Nag isip muna ako
"...aaahh sige sige pakipalit na lang po" Nakita kong ipinalit nila yung salamin sa CR mula sa bago kong salamin.
"ito po, Ok na?" Maganda ang pagkaka ayos nila. Parang bago ulit.
Halos hapon na ng matapos sila sa paglilipat ng mga gamit ko.
Buti na lang natulog at naglaro lang si Oprah kasama niya si Billy? the bear
"t-tito? Iihi po ako" sabi niya sa'kin
I looked at the clock and it's 6 pm na. Pagabi na rin pala.
"tito?! why so tagal"
"oo na po ito na"
Hinatak na niya ko papuntang CR. Ang kulit talaga nito, nako papano pa kaya kung umuwi ni Si Clare from abroad?
"tito wait ahhh" Nasa tapat na pala kami ng pinto. Hinintay ko siya dun mag wee wee
"oprah?" ilaang minuto na siyang andoon
"oprah?!" Pinuntahan ko na siya
Nakatitig siya sa salamin ng blanko. Nakakatakot kasi naka turo pa siya.
"B-bakit?.." nagulat ako kasi yung lumang salamin pa rin yung nakalagay.
"oprah halika rito" sa sobrang takot ko hindi ako makagalaw
"t-tito.." Lumingon siya sakin na parang naninigas na habang nanginginig pa.
"O-oprah!!" Tinakbo ko na siya at tinakpan ang mga mata.
Ako naman ang tumitig sa salamin.
Laking gulat ko ng kung ano ang makita ko sa salamin
"shit!" isang babaeng binubugbog at maya maya
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" sumigaw ang babae habang hinamapas ang ulo niya sa salamin.
Repleksyon lang ang nakikita namin pero sa sobrang lakas nabasag ang salamin
Sabay kaming napa pikit ni Oprah napayakap pa ko sakanya at sa pag dilat namin.
Wala yung salamin? Salamin kong bago ang nakalagay
n-nasaan na yung salamin na yun?
na m-malikmata ba ko?