XXIX
Last PartI felt that I was flying but no...
I thought I was dying but no....
Ang bilis. Yung hangin tinatangay ako, Paakyat. Paakyat. Lagpas na sa mga bahay na natatanaw ko.
Unti unting lumiliit sila sa pangin ko. Lumulutang ako paakyat, papunta sa langit.
Paakyat pero maya maya...
Isang mabilis at bumubulusok na ko pababa. Nakikita ko na ang lupa.
Papalapait na ko ng papalapit hanggang sa,
"AAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" Nahulog ako sa kama ko. And time check, 6:00 am. Kanina pa tumutunog yung orasan ko.
Naramdam ko yung pagbagsak ko sa sahig. Pawis na pawis ako. Umupo muna ako saglit. Saka ako kumilos, tumayo at kumuha ng tubig.
Iniisip ko pa rin yung panaginip ko kasi hindi ko na maalala. Mental Block? or stress? Ininom ko na yung gamot ko.
Ayoko namang ma stress lalo kaya di ko na masayadong inisip. Baka mabaliw lang ako o magdugo ang utak.
TOK
ano yun? Tumigil ako ng ilang saglit just to listen to that sound then..
TOK
sa pinto?....may kumakatok?
TOK
isang katok sa bawat 6 seconds.
TOK
bakit ganun yung katok? isa lang at..
TOK TOK TOK TOK
Mabibilis at tila galit na katok na yung tao sa labas ng unit ko.
Binuksan ko kaagad yung pinto. pero..
"s-si--" tatanong ko kung sino yung tao kaso...
"Kamusta na?" isang nakayukong naka kulay puting lalaki ang nasa upuan katabi ng lamesa.
Di ko maaninag yung muka niya.
"sino ka ba?!!"
"kilala mo ko..." isang malamig niyang sabi sa'kin. Habang naka upo at may tinatanaw.
"ano bang ginagawa mo dito?!!" natatakot na ko sa'kanya dahil naka yuko siya at naka ngisi.
Hindi ko maaninag yung muka niya. Gusto kong maglakad kaso yung mga paa ko.
Ayaw gumalaw. Nanigas na ko sa tayo mula sa kinatatayuan ko. I felt like a statue...
"kilala mo ko.."
"kamatayan?! sundo?!.."
"Tsk tsk nope" habang umiiling pa siya. "None of the above mister Agon Alosado"
"papano mo ko nakilala?! Huh?!" saka nag sia galawan ang mga bagay na nasa tabi ko.
Kahit na ang mga libro ko nag siliparan papuntang sahig.
"s-sino ka ba?!"
"AGON?!" boses ni clare. Umiiyak? pero nasaan?
"siya ba?!" tinuro ng lalaki si clare na umiiyak habang nakaluhod sa tapat ng kama ko. Nakatalikod siya kaya kita mo ang pag galaw ng balikat niya.
"clare?" nag aalala ako sakanya. Palakad na ko papunta sakanya ng biglang...
"AGON?!!" isang malakas na hiyaw at iyak ang ginawa niya ng makita kong...
"h-hindi.." kinapa ko ang sarili ko,
tumingin sa salami dahil nakikita ko ang sarili ko ngayon sa isang kama
duguan,
walang mga mata,
puro saksak at
wala ng buhay.
"b-bakit?" tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Kinakabahan ako sa isasagot niya.
Tumawa lang siya habang ako ay naluluha na.
"wala ka bang alam?" tanong niya sakin ng malumanay
"w-wala.."
"YUNG TOTOO?!!" nagagalit na siya sa tanong niya. Pasigaw na ito at nakita ko yung muka niya
yung demonyo!!
"bakita ba?!" tanong ko sakanya
"matagal na...alam ko...matagal mo ng alam.." saka siya tumawa
"wala a-akong alam"
"nag bubulagbulagan lang?" parang nang iinis niyang tanong sakin.
saka ako napaiyak at tumawa lang siya ng napakalakas hanggang sa...
HINDI MO AASAHAN NA YUN PALA ANG KWENTO NIYA........
Hindi mo pa nakikita ang lahat.
PS. Hindi pa to yung last part. Kindly proceed to next chapter.