XXIV,

1.1K 14 0
                                    

XXIV

Tulong

"h-hijo pwede mo ba k-kong tulungan?" tanong sakin ng matanda.

Makikita mo pa lang sa mga mata niya ang kakaibang istorya sa likod ng pag hingi niya ng tulong.

"s-subukan ko po.." kakaiba yung pakiramdam ko. Yung parang nilalapit ako sa kamatayan sa sobrang kaba ng dibdib ko.

"hindi mo ba kaya?" nakatitig sakin si Joyce habang nag tatanong. mas kinakabahan sa reaksyon at muka ni Joyce

"Joyce kasi..hindi to super powers..hindi ako member ng avengers o ng justice league man na pwedeng lumabas yung powers kapag gusto nila"

"naiintindihan ko...pero agon kasi... bago pa siya mamatay gusto niyang makapagtawaran sa anak niya"

"ano bang nangyari sa anak niya?" Clueless kong tanong

"k-kasi.." hindi masabi ni joyce kung ano ba talaga.

"h-hijo.." naptitig ako sa mata ng matanda at na aaninag ko ang isang babae...

isang babaeng sinubok ng isang krimen.

"TULONG!!" sumisigaw ang isang babaeng  naka higa sa damuhan at ginagalaw ng isang lalake.

"S-sino po yun?" saka ako nabalik sa ulirat ko ng makita kong umiiyak at humahagulgol na ang matandang babae sa harapan ko.

"a-ako yun Hijo..at nag bunga iyon ng isang babaeng anak" Ipinakita niya sakin ang isang luma at punit-punit na litrato ng isang dalaga.

"p-pinatay niyo po siya o pinalaglag?" natatakot kong tanong sa matanda.

"pinalaki ko siya ng may poot at galit sa puso ko...di ko makakalimutan ang mga pangyayaring yun.." sabi niya

"hanggang sa nag dalaga siya na malayo ang loob ko sakanya...." pag papatuloy niya.

"..lagi kosiyang sinasabihan ng.."

Nagulat ako ng may marinig akong bumulong sa tenga ko... "mamatay ka na!"

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Wala namang ibang tao, kahit sina Joyce at ang matanda ay tahimik na umiiyak sa harapan ko.

s-sino yun?

"dumating ang kaarawan ko.." nag slaita bigla ang matanda. Ngayong alam ko na hindi lang kami ang tao dito.

Hindi pala tao, Mga di nakikita.

"...pag pasok ko sa pintuan namin...may mga liham siyang iniwan *sob*.." Hindi maka pag salita ang matanda dahil sa patuloy niyang pag iyak.

"l-lola tama na po" sabi ni Joyce na kahit kanina pa ay umiiyak na.

"..s-sabi sa liham *sob*...m-matutupad na ang kahilingan ko..." Napa luha ako ng humagulgol ang matanda.

Kahit ako nagdadalamhati sa kwento at nangyari sa'kanya.

".....pumasok ako s-sa b-bahay at nakita k-kong.... naka bitin siya sa kisame gamit ang l-lubid.... sob n-nagpakamatay siya"

Doon na ko bumigay sa pag kakahwak ko sa emosyon ko. Pinipigilan kong umiyak para maging malakas pero sa kwento ni Lola. Damang dama mo lalo na kapag tumingin ka sa mga mata niya.

"s-sige po lola.." saka ako tumahimika at dinama ang buong lugar. May mga nararamdaman akong mabigat sa damdamin yung iba naman ay naririnig ko.

may tumatawa,

umiiyak,

nag uusap,

pero nakita ko ang isang babaeng duguan at hawak ang lubid na nakatali sa leeg niya.

Naglalakad siya ng mabagal, Naka ngiti at paulit-ulit na binibigkas ang salitang

"masaya ka na b-ba?" nakikita ko ang luha sa pag kaka ngiti niya. Kahit na kinikilabutan ako ay lakas loob kong haharapin siya.

"p-patawarin mo na ang nanay mo" sabi ko ng pabulong. Saka ko naramdaman ang pag kakaahwak niya sa balikat ko.

Napapikit ako..at maya maya ay idinilat ang mga mata ko ng maramdaman kong...

"masaya ka na b-ba?" tanong niya sakin na napa kalapit ng muka at kitang kita ang bawat detalye ng muka niya.

Nakakatakot at nakaka kilabot. Hindi ko pa nararanasan ang ganito.

Nahilo ako, Hindi ko alam kung bakit..pero lumalabo na sila sa paningnin ko. Ang bigat ng ulo ko. Ang sakit at..

"AGON?!!!" yun ang huli kong narinig ng matumba ako at dumilim ang paligid.

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon