XIX
Pagtakas
Aalis na kami dito ni Clare sabi niya sa'kin kaya naman pina impake na niya ko ng mga gamit ko.
"handa ka na ba agon?" tanong niya sa'kin
"Oo" yun lang ang tangi kong naisagot.
"Para di ka nila mapansin mauna kang umalis at ako ng bahala kina Nana elsa.." sabi niya sa'kin
"Kaso clare baka kung anong mangyari sayo" sabi ko sakanya
"Hindi agon dapat maka alis na tayo dito.." Tinuro niya sakin kung saan ang mabilis na makakaalis. Desidiso siyang paunahin ako.
"mag iingat ka" sabi ko sakanya saka niya ko niyakap.
"dali mauuna ako" nauna siya saking mag lakad patungo sa labas. Dahan dahan kaming nag lakad palabas.
"andyaan sila..dali dali mauna ka!" sabi niya sakin habang patulak niya kong pinalabas sa pintuan
"mag iingat ka huh?" sabi ko sakanya
Humiwalay na ko sakanya para maka alis na kami ng maaga. Iniwasan ko ang prusisyon nila.
Rinig na rinig ko ang pag darasal nila. Sa pagkakaturo ng daan sakin ni Clare ay mukang madadaanan ko yung bangin na malapit sa pier.
Yung bangka lang ang tanging daan para maka punta sa pinakamalapit na isla at makauwi na.
Nagtago na ko sa pinaka malalaking puno. Habang kabado akong dumadaan ang tumpok ng mga naka itim na belo sa likuran ko.
Dinig na dinig ko ang mga yapak nila. Dahan dahan akong naglakad at iniiwasang mag ingay. Unti unti ng humina ang ingay. sigurado na kong wala na sila.
Dahan dahan akong lumakad at tahimik na sinusundan ang bawat puno ng magulat ako sa nakita ko...
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" napa sigaw ako sa nakita ko
"aaaaaaaahhhhhhh!!! narito siya!!" sigaw ng babae na nakita kong umiihi at naka baba ang itim niyang palda. Isa sa mga kasamahan ni Nana elsa.
Dali dali akong tumakbo dahil narinig kong umingay ang mga yapak at bumilis. Lahit puro babae sila ay sigurado akong sa dami nila ay mahuhuli nila ako.
Dumaan na ko sa gubat upang mailigaw sila pero mukang ako ang naligaw. Mga lagas at patay na puno na ang nakikita ko. Wala na kung ano pa.
Tumakbo ako ng parang hinahabol ako ni Kamatayan. Hangang sa narinig ko ang malalakas na alon ng tubig. Andito na ko sa bangin.
Tumakbo ako pero nakita ko...
"Saan ka pupunta?" si Nana elsa na sa pagkakataong yun ay dumudugo ang noo at kamay niya.
Sumilip siya sakin gamit ang butas ng mga kamay niya.
"TAMA NA!!" tinulak ko siya pero kinapitan niya ko kaya di ako maka pwersa ng maayos. Naririnig ko na ang mga yapak ng mga kasamahan niya.
Pinilit kong maka alis sa hawak niya
"DITO KA LANG!!! DI KA MAKAKA ALIS DITO!!" sigaw ni nana elsa
Natanaw ko sa pier si Clare, mukang kumpleto ang gamit at hinihintay ako.
"BITIWAN MO KO!!" lakas pwersa ko siyang itinulak pa hulog sa bangin.
"APO!!" narinig ko ang sigaw niya, di ko siya pinansin at saka ako tumakbo papunta sa dulo ng pier ngunit narinig ko ang huli niyang isinigaw.....
"SISINGILIN KITA!! BALANG ARAW APOOOOOOOOOOOO!!!" narinig ko ang pagkakahulog niya pero di ko na pinansin yun saka ako dumiretso patungo sa dulo ng pier kung saan nag hihintay si Clare.