XII

1.8K 20 0
                                    

XII

Simula II

Namamaga ang mga mata ko simula kahapon, kakaiyak dahil sa nalaman ko. Ano pa bang mga bagay ang malalaman ko dito?

Alam kong pumunta ako dito para mamulat lamang.

Nakatulog ako sa sobrang pagod pero pag kadilat ko, Hindi ako totally nagising. Naalimpungatan ako, May nakita akong babae sa tabi ko.

Hinihimas niya yung buhok ko. Alam mo yung feeling na gising ka na pero di ka makabangon na parang may naka dagan sayo? Ganon kabigat ang nararamdaman ko habang nakahiga.

"n-ne--" naputol ang sasabihin ko ng maaninag kong si Kim ang nasa tabi ko

"miss mo na ba ko?.." tanong niya sa'kin

Hindi ako makasagot para akong nakakita ng multo. Tinignan ko siya sa mata at nakita kong si Kim nga ang nasa harapan ko.

"K-ki--" pag kahawak ko sa'kanya si Netay ang nararamdaman ko

Tuluyan akong nagising ng tumayo siya mula sa kama.

"Minahal mo ba talaga ako?" yan ang tanong sa'kin ni Netay

Tumayo na rin ako upang maka usap siya ng maayos. "Don't mind anything, netay mahal kita.."

"Mahal? si Netay ang minahal mo!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kim sa'kanya

"K-kim?" clueless ako sa nangyayari, si Netay ay..

"huh, noong tayo pa agon di ba mas mahal mo si Netay?!"

"Kim?!" malinaw na si Kim ang nasa harapan ko para akong namulto

Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Litong lito ako, sa mga nangyayari.

"Naawa ka lang sa'kin AGON! alam ko yun!! hindi ako tanga, alam kong mas mahal mo si Netay!!" sigaw niya sa'kin

Tinitigan ko siya sa mata at tuluyan siyang napaluha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"wala akong masabi kim..nasaan si Netay!" hinawakan ko siya sa balikat para madama niya ko

"Tama na! Agon!!... puro ka netay! netay Papano ako?! papano ako?!"

"Kim...let me explain naki usap si Netay sa'kin na mahalin ka...dahil mas...mahal ka niya!"

"Tama na! *sob* tama na!! *sob* w-wag mo kong kaawaan dahil hindi mo  dapat gawin yan!!"

Hindi ko na kinaya saka ako umalis ng kwarto ko.

Papano yun?  Papanong nangyari yun?

Lumalayo muna ako, nag punta sa kung saan. Nag pa-alon sa ibang tao. Nakisabay ako sa tumpok ng tao. Balisa at tuliro, yan ang nararamdaman ko

Isang tumpok ng naka itim na belo at mga babae, may matanda, bata, at kung sino sino pa na puro babaeng naka itim na belo.

Doon ko lang napansin na si Nana elsa pala ang sinusundan ng to.

Saan kaya kami patungo?

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon