"ang bawat takbo ng oras sa mundong ibabaw, ay kabawasan sa bawat buhay ng tao papunta sa ilalim"
VIII
sikretong mensahe
Naglibotlibot pa kami ni Oprah sa bahay ni Nana elsa,
Marami pa akong nakitang kwarto na nakatakip lang ng itim na tela, Hindi ko alam kung ano yung mga yun pero dito sa tarbaneu . Alam ko wala noon yun dito pero bakit ganun?
Ambigat sa pakiramdam kapag andito ako parang may mga nakapasan sa likod ko.
"tito, tignan mo yun" pag kasabi ni Oprah nun agad akong lumingon.
Isang babaeng naka upo sa isang upuan na may hawak na krus. Naka yuko lang siya, natabing sakanya ang napaka haba niyang buhok. Kulay gray ang balat niya
Hindi ako maka galaw, pero si oprah naka ngiti siya at hawak ang mga kamay ko
"Tito tara na, tawag niya ko" sabi niya sa'kin
"O-oprah...Wag" Hinatak na niya ko na para bang nangungulit na, nilalakasan niya ang paghatak para madala ako
Habang papalapit kami, nanlalambot na ang mga tuhod ko.
sa takot, kaba at kilabot? Naghalo-halo na ang emosyon ko habang papalapit kami
Palapit na ng palapit
"tito, niyaya niya ko.." naka ngiti pang sabi ni Oprah sakin
"w-wa--.." parang natuyuan ako ng laway dahil hindi ako makapag salita
Naunang tumakbo si Oprah papunta sa babae.
Parang pamilyar sakin ang babae pero di ko lang maalala
"tito.." nakatalikod si Oprah sakin habang nahinto ako sa kinatatayuan ko
"sama ka raw.." hinawakan ni Oprah yung babae na naka upo at unti unting lumingon sa'kin
"O-op--" naputol ang sasabihin ko ng magulat akong si Oprah ay wala na siyang mga mata
puno ng itim at yung babae unti unting tumayo at hinawakan si Oprah.
"WAG! WAG!!" Umiiyak na ko sa takot
"WAG!! WAG!!" humahagulgol na ko habang hinahatak ng babae si Oprah palayo sa'kin
"WAG!" sigaw ko
"tito?"
"tito?!"
Naramdaman kong inuuga ako, at napamulat akong bigla ng matagpuan ko ang sarili kong naka upo sa isang upuan habang hawak ang isang lumang krus.
Nakatitig sa'kin si Oprah, saka ko siya niyakap. Umiyak ako habang yakap yakap ko siya
"bakit po tito?"
"w-wala...pagod lang siguro si tito..."
"tito oh.." May ipinakita siya saking lumang board sa sobrang luma kulay gray na
"ano naman yan?"
"look" tinuro niya yung bawat letra kasi nakabaligtad ang mga ito
Kung ang normal na alphabet ay A-Z yung hawak niya ay Z-A
"saan mo nakuha yan?"
"sakanya po.." Itinuro ni oprah yung kwartong nag sara bigla. Yung parang taong may tago pero nakita ko wala naman.
"Oh andito ka lang pala? Tara na kakain na" sabi sakin ni Netay habang naka upo pa rin ako sa upuan ko kanina
"tito...HRMZMAVOHZZBSZORNZD"
"HUH?! ano yun oprah?"
"wala po naka sulat lang po dito" ipinakita niya yung lumang papel na kulay abo rin
Ano pa bang meron dito sa bahay ni nana Elsa?