VII,

2.3K 33 7
                                    

VII

santo o rebulto

Sumalubong samin ang isang pugot na ulong santo ba o rebulto? na nakalhad ang mga kamay at ang ulo niya.

"tito what's that?" tanong sakin ni Oprah

Isang santong pugot ang ulo na nakalagay ang ulo sa ilaliman ng paa niya. Nakakatakot yung itsura niya. sigurado akong hindi ito si NAZARENO

"kakain na ba tayo?" tanong ni Teryo samin

Naglakad si Nana elsa kasama ang nakatali niyang kambing na di ko alam kung bakit parang kinakalibutan pa ko tuwing titignan ko yung mga mata niya

"T-tito wait lang po!" Tumakbo si Oprah kung saan Hindi ko alam

"teka nga lang pasaway talaga yung batang yun"

Hinabol ko kung saan papunta si Oprah, sa bawat pasilyo ay may mga santong di ko makilala, yung iba ngayon ko lang nakita

Feeling ko nakatitig sila sakin. Gumagalaw yung mga mata?

Di ko pa rin makita si Oprah, kaso may mga maliliit na libro na nakalagay sa tabi ng kabaong?

kasi nakahiga yung babaeng santong kulay gray ang balat at itim ang suot

tinignan ko, halos labing tatlong libro ang meron dito. Mga hindi ko maintindihan ang sulat.

may isang diary ba to? diary nga, ni Lerma?

Binasa ko yung likod na page.

" lahat ng mababasa mo sa bawat kwentong ito ay may sikretong mensahe.."

Ano daw? andaming alam nito. Kinuha ko na lang para may mabasa mamaya

"TITO!"

"AY PUTA!" Nagulat ako sa pag hawak niya sa likod ko

"HAHAHAHA SI TITO nag mura" para siyang naiiyak na ewan

"ssshhh... wag mong sasabihin yun aahhh"

"alam mo pa ba na....may sikretong mensahe ang bawat kwentong ito"

nag iba ang boses niya na parang gumaralgal parang galing sa ilalim ng lupa.

"Hoy oprah? anong nangyari sayo?"

Inuyoguyog ko siya baka sakaling maalis ang pagkatulala niya sa kawalan.

"T-tito..ano yun?"

May tinuturo na naman siya mula sa malayo, Ayokong lingonin dahil sa takot sigurado akong may makikita na naman ako

"abangan mo ang bawat sikretong mensahe sa kwetong ito..."

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon