XIII,

1.8K 26 3
                                    

XIII
Milagro

Nasa tumpok ako ng mga babaeng naka belong itim habang may hawak na rosaryo.

"manang nasaan po ba tayo?" tanong ko sa aleng katabi ko

Lahat sila napahinto at natahimik. Nakatitig sa akin. Kahit na si Nana elsa na nasa harapan ng mga babae ay napahinto.

"HALIKA RITO APO!" pasigaw niyang sabi sa'kin. Habang papalapit ako sa'kanya ay tumititig sa'kin lahat ng tao.

Nang makalapit na ko sakanya ay bigla siyang napaluhod. Napansin kong nasa bangin kami at tanaw ang dagat ng tarbaneu

Kulay gray ang kalangitan, mahanagin at malakas ang alon na rinig na rinig mo. Napansin kong lahat ng tao sa paligid ko ay naluhod na.

"lahat ng di mo pa nakikita ay makikita mo na!"

Nagulat ako sa pagkaka lapat ng mga kamay niya sa noo ko.

"NANA TAMA NA PO!" naramdaman kong may humawak sa mga balikat ko kahit na di ko nakikita

"Potest te sentire?" sinabi niya sakin yun kahit na di ko maiintindahan

"pumunta ka dito para mamulat! magising sa katotohanan?!"

Nakakatakot na ang boses niya parang nanggagaling sa ilalim ng lupa.

"kilala mo ba kami?! huh agon?! kilala mo ba kami?!" tila galit na galit ang boses niya ng maramdaman kong dumidiin ang may humahawak sa'kin

"H--HINDI P-PO! HI--" naiiyak na ko sa nangyayari, lumalakas na rin ang hangin. Kinakabahan ako sa mga ginagawa nila.

Pero mas natakot ako sa babaeng naka itim na kulay gray ang balat. Nasa likod siya ni Nana Elsa.
Habang nakaluhod si nana, hawak niya ito sa  balikat. Hawak din niya ang isang krus na may nakalagay na..

"MULIER CULTUS!!" natakot ako dahil sa pagkakataong yun nakita ko yung muka nung babae.

Wala siyang mga mata at puno ng bitak bitak na kulay gray ang muka. Sabay nilang binigkas ni Nana elsa ang mga katagang yun

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang malamig niyang kamay na parang hanging dumadapo sa muka ko.

"AYAN NA ANG MARYA caputissima de MENDECIA!"

Wala akong naramdaman sa sinabi niya dahil pagkakita ko kay Nana elsa ay nag durugo na ang mga palad niya.

Sobrang pag durugo! Ang dami, maya-maya sumunod ang Noo niya. unti-unting nagka sugat at parang nilaslas.

"AAAHHH!! MARYA! MARYA!!" sigaw ng mga kababaihan na biglang umiyak. Kasabay na umiyak si Nana elsa na dugo ang inilalabas ng mga mata niya.

"wwaaaaaaaahh!!" sigaw ni nana elsa habang nangingisay sa lupa at unti unting nag kasugat ang binti na tila nilalatay.

"ANG MARYA!!! ANG MARYA!!" sabay sabay silang nag silapitan at pinunasan si nana elsa habang umiiyak pero si nana elsa ay patuloy pa rin sa pangingisay

"ngayon agon, alam mo na?...alam mo na" habang isang babaeng naka belong itim ang nasa likuran ko. Hindi ko siya malingon dahil tila ako naging estatwa sa kinatatayuan ko.

Pamilyar ang boses niya. Sobrang pamilyar, s-sino yun?

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon